1. Distance (Chapter 10)

    "Bakit ang tahimik mo?" Biglang tanong ni Maqui.

    Hapon na iyon at naglalakad sila malapit sa football field kung saan marami ring estudyante ang tumatambay at humihiga sa damuhan. Kakatapos lang kasi ng klase niya at napagpasyahan nila ni Maqui na magkita saglit bago ang kasunod na klase ng kaibigan.

    "Ha?" Balisang sagot ni Julie.

    Nakahanap sila ng malilom na mauupuan sa damuhan malapit sa field kung saan may ilang varsity players ang nagttraining. Dahil nakapantalon naman si Julie, naisipan niyang humiga dito habang si Maqui naman ay naupo lang sa tabi niya.

    Napakunot naman ang noo ni Maqui. “May sakit ka ba?”

    Natawa naman ito sa kaibigan. “Wala ‘no. Bakit naman?”

    "Parang wala ka sa sarili eh. Nag-away kayo ni Zeke ‘no?"

    Inirapan niya lang si Maqui bago ipinikit ang mga mata. “Hindi ah.”

    Nagtaka siya nang hindi agad sumagot ang dalaga. Sanay kasi ito na laging may kasunod na pang-aasar o banat na sagot sakanya kapag nagsusungit siya.

    Iminulat niya ang mata at sinilip ang kaibigan. May tinatanaw ito sa kabilang direksyon.

    Bigla naman siyang kinulbit nito.

    "Bes, si Elmo oh," sabay turo gamit ang nguso kung saan nandoon nga si Elmo.

    Otomatiko namang napabangon siya at tinanaw din ang binata. Naka-uniform ito na nakagaya ng ibang mga kalalakihan sa paligid niya ngunit mag-isa itong nagjujuggle ng bola habang nagddrills ang iba.

    "Di ko alam naglalaro pala siya ng football. Dami palang tinatago niyang gunggong na yan," sabi ni Maqui sakanya.

    Sumimangot naman si Julie sa huling sinabi ng kaibigan. “Oo nga eh..”

    Di ko alam may girlfriend pala siya.

    "Totoo?" Gulat na tanong ni Maqui.

    Siya naman ang napakunot ang noo dito. “Huh?”

    "May girlfriend si Elmo?" Nanlalaking mata na tanong ng kaibigan sakanya.

    "Nasabi ko ba ng malakas yun?" Takang tanong niya dito.

    Hindi niya alam na nasabi niya pala ang akala niyang binubulong lang niya sa isip.

    "Ahh," natawa ng malakas si Maqui. "Kaya pala balisa ka."

    Sa tawa at tingin pa lang ng bestfriend niya ay gets na niya ang ibig sabihin nito.

    "Tigilan mo nga ako," pagsusungit niya.

    Dinedma lang siya ng kaibigan dahil sanay na ito sakanya. “So sinong kaaway natin?”

    Bumababa-taas pa ang kilay nito na halatang nang-aasar. Ngunit kahit na mahilig mang-asar ang kaibigan, alam ni Julie na mapagkakatiwalaan at reliable ito. Kaya kahit ayaw man niya aminin, kahit na sa sarili, ay ibinahagi ni Julie kay Maqui ang dahilan ng kaniyang pagmumukmok.

    "Yung girl na nag-ask sa akin ng directions last week," nahihiyang sagot niya dito.

    "OMG. Iyong bago mong bestfriend?!"

    Hinawakan pa siya ni Maqui sa magkabilang braso para i-emphasize ang pagkagulat nito.

    Natawa naman siya sa reaksyon ng kaibigan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi siya natatakot magsabi sa dalaga. Alam niyang hindi siya nito huhusgahan.

    Pabiro niya itong sinapok. “Sira ka talaga!”

    "So paano mo nalaman?" Tanong ni Maqui na natatawa pa.

    "Nakita namin sila ni Zeke sa mall," sagot niya. Inalala niyang muli ang nangyari noong nakaraang araw. "It’s funny kasi Zeke was expecting me to know about her but apparently, Elmo never mentioned a girlfriend to us."

    Noong araw na nakita nila sina Elmo, gusto pa sana ni Zeke lapitan ang mga ito para batiin. Ngunit nagpanggap siya na sumama bigla ang pakiramdam kaya pinili na lamang nila ang umuwi na. Hindi niya din kasi alam kung anong gagawin kapag nagkaharap-harap sila, lalo na’t wala siya sa sarili dahil sa gulat sa nalaman.

    Napaisip saglit si Maqui. “So tinatago ni Elmo?”

    Nagkibit balikat lang siya bilang tugon habang minamasdan si Elmo makipaglaro sa mga teammates nito. Hindi niya rin naman kasi alam kung ano ang iisipin. Kaibigan nila si Elmo ngunit narealize niya na hindi niya pa din ito ganoon kakilala para husgahan.

    Muling nagsalita si Maqui. “Bakit naman itatago ni Elmo yung tungkol sa girlfriend niya, eh ang ganda ganda kaya ni ateng,” sumimangot pa ito na parang nai-insecure. “It doesn’t make sense. Unless…”

    Dahan dahang lumingon si Maqui sa kanya mula sa pagkakatanaw nito kay Elmo na may nakakaloko na namang ngiti sa mukha.

    Susungitan niya sana ulit ang kaibigan ngunit naalala niya na wala naman na siyang kailangang itago dito.

    "Unless what?"

    Nawala bigla ang ngiti ng kaibigan at biglang sumeryoso ang mukha nito.

    "Wait. So nagtatampo ka kay Elmo dahil hindi niya sinabi sa’yo na may girlfriend siya? O dahil dun sa fact na may girlfriend siya?"

    Napaisip si Julie sa tanong ni Maqui.

    Ano nga ba?

    Syempre di ba magkaibigan kami, so dapat nai-share na niya sa akin yung mga ganung bagay.

    Pero yun lang ba talaga?

    Naguluhan siya lalo sa nararamdaman. Kaya naman hindi niya napigilang magsungit na lang ulit sa kaibigan kahit alam na niyang wala na iyong epekto dito.

    "Sino naman kasing may sabi na nagtatampo ako?" Pag-iwas niya sa tanong ng kaibigan.

    Natawa naman si Maqui ngunit walang namang halong pang-aasar sa tono.”Ako pa ba bes ang lolokohin mo?”

    Tumahimik lang si Julie dahil hindi niya na talaga alam ang gagawin. Palambing na ipinatong ni Maqui ang ulo nito sa balikat niya at inangkla ang braso nito sakaniya bago nagsalita ng malumanay. Pareho nilang pinapanood si Elmo na tumawa at makipagkulitan sa mga kasamahan nito.

    "Well, either way, it doesn’t and shouldn’t matter naman. Kasi may boyfriend ka," paalala ni Maqui.

    Tumango tango lang siya dito. Wala naman kasing sinabi ang kaibigan na hindi niya pa nalalaman.

    "I know, of course."

    "Kaya…" Biglang bumitaw si Maqui at tumayo.

    Nagulat naman siya dito. “Oh, saan ka pupunta?”

    "Aalis na. May klase pa nga pala ako. Hehe. Ikaw kasi kung saan saan mo ko kinakaladkad!" Paninisi ng kaibigan sakanya habang nag-aayos.

    Natawa siya sa pagddrama nito. “Sira. Ikaw kaya ‘tong nagyaya sa akin dito.”

    Tumayo na din siya para sumabay na dito. Balak na din kasi niyang umuwi at isa pa, baka makita pa siya ni Elmo. Hindi pa din niya alam kung anong sasabihin sa binata kahit alam niyang wala naman itong ginawang masama sakaniya.

    "Oh, wag ka na umalis kasi… um," sabay turo ng nguso sa may likod niya.

    Agad naman siyang napalingon sa likod niya at nandoon na nga si Elmo na naglalakad na palapit sa kinatatayuan nila.

    Ngumiti ito ng maluwag sa kanila ngunit hindi niya alam kung kaya niya itong ibalik.

    Una itong bumaling sa kanya. “Hey, Julie-bee. Hi, Maq.”

    "Bye, Elmo! May class pa ako!" Mabilis na paalam ni Maqui sa binata habang naglalakad na palayo.

    Narinig ni Julie na tumawa ng mahina si Elmo. Lumingon siya dito na nasa tabi na pala niya. “Hi.”

    "Hey," bati nitong muli. Nakatitig ito sa kanya na parang hinihintay siyang magsalita ngunit tumitig lang din siya dito pabalik. Ilang saglit pa ay si Elmo na din ang bumasag sa katahimikan. "So… kamusta?"

    Hindi niya maiwasang titigan ang mukha binata. Basa ito ng pawis at medyo namumula na ang mga pisngi at ilong dahil sa init ng araw ngunit maaliwalas pa din ang ngiti nito. Hindi niya tuloy maiwasang matawa dito.

    "Ikaw ‘tong kakagaling lang sa sakit tapos ako ‘tong kinakamusta mo?" Pagbibiro niya.

    Kumamot naman ito sa batok na parang kinakabahan. “Hindi ka kasi nagsasalita eh.”

    Bigla naman siyang na-guilty sa pagsusuplada niya sa binata.

    "Sorry, bangag. May exam ako kanina eh," pagpapaliwanag niya. "So ano, okay ka na ba?"

    "Yep, thanks pala sa pagbisita ha. Kahit tinakbuhan mo ko," pabiro pa siya nitong binunggo sa balikat.

    Naalala tuloy ni Julie iyong saglit na moment nila ni Elmo sa elevator ng building nito. Hindi niya pa din alam kung bakit kailangan pa ni Elmo tumakbo sa hallway para lang maabutan siya ngunit wala siyang lakas ng loob para itanong iyon.

    "Kasali ka pala sa football varsity?" Pag-iiba niya sa topic.

    Tumango tango naman ito. “Yeah, kakaumpisa ko pa lang mag-training.”

    Napaharap siya dito bago kumunot ang noo nang may marealize.

    "Paano yung part-time job mo sa coffee shop? Hindi ka ba masyadong mapapagod niyan? May classes ka, tapos part-time job then football training in between?"

    Stop acting like a worried girlfriend!

    May sariling girlfriend na yung tao at may boyfriend ka na!

    Hindi maiwasan ni Elmo mapangiti sakanya. Mahinang kinurot nito ang mga pisngi niya at pinanggigilan. “Ang cute mo.”

    "Shut up," pagsusungit niya ngunit natawa na din siya dito.

    Ngumiti si Elmo sa kanya at muling natahimik saglit. “So… sasabihin mo na ba sa akin kung bakit sinusungitan mo ako kanina pa?”

    "Hindi mo man lang sinabi, may girlfriend ka pala," bigla na lamang lumabasa sa bibig niya bago pa man siya makapag-isip.

    Halata namang nagulat si Elmo sa sinabi niya dahil nanlaki ang mata nito at hindi agad ito nakapagsalita. “H-how—”

    "Zeke and I saw the both of you last week sa mall," maikling paliwanag niya.

    Kumunot naman ang noo ang binata. “Bakit di ko alam? Sana lumapit kayo so—”

    "It doesn’t matter," pagputol niya sa sasabihin ni Elmo. Wala nang ngumingiti sa kanilang dalawa. "The point is… you didn’t even bother to tell me?"

    What’s wrong with me? This shouldn’t be a big deal.

    "I don’t have to tell you anything," diretsong sagot ni Elmo.

    Ouch.

    Para siyang sinuntok sa sikmura sa sagot ng binata. Tama naman kasi ito ngunit hindi niya maiwasan ang masaktan sa pagka-straightforward ni Elmo. Bumaba ang tingin niya sa lupa.

    Naghanap siya ng pwedeng isagot sa binata. “W-well. I just thought friends should—”

    "No, let me finish," sabat ni Elmo. "I don’t have to tell you anything kasi wala naman talaga."

    Muli siyang napatingin sa mukha ng binata. “What do you mean?”

    "Okay, look." Hinawaka ni Elmo ang magkabilang balikat ni Julie bago nagpaliwanag. "Joie and I are just friends. I mean, yeah, we were together but we broke up before I went back here."

    "But Zeke said—"

    "I haven’t told Zeke about the break up yet kasi okay naman kami ni Joie. But we’re just friends…right now," paliwanag pa ni Elmo. Bumitaw ito sakanya at isinuklay ang kamay sa basang buhok nito. "We’re still… working on it."

    Working on it.

    Bigla siyang natauhan, hindi niya alam kung bakit pinag-uusapan pa nila ni Elmo ang tungkol sa bagay na iyon. Tama ang sinabi ni Maqui kanina.

    It doesn’t and shouldn’t matter, may boyfriend na ako.

    I don’t even like Elmo. Not like that.

    Kinuha na ni Julie ang bag niya sa damuhan at saka muling tumingin sa binata. “Look Moe, I’m sorry for putting you on the spot but you don’t have to explain anything to me. I don’t know why I overreacted—”

    "Then stop looking at me like that," singhal nito sakanya.

    Nagulat ito sa biglang pagkagalit nito. “Like what?”

    "Like… you’re mad at me or something. Like, like I did something terribly wrong and I should feel guilty about it," sagot ni Elmo na halatang frustrated na sa sitwasyon.

    Hindi niya alam na ganoon na pala ang hitsura niya. Pilit niyang pinakalma ang sarili. Doon niya lang din narealize na nag-aaway na pala sila ni Elmo.

    Hindi na naman niya alam kung ano ang sasabihin. ”I.. I—”

    "Sam!"

    Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses.

    Speaking of the beautiful devil…

    Ngumiti si Elmo dito. Kahit na pareho silang medyo uminit ang ulo ay sincere at maaliwalas ang ngiti nito sa dalaga. “Joie.”

    "Are you done with your training?" Tanong ni Joie nang makalapit ito sa kanila. Naka-dress ito at naka-sandals, kasing simple ng ayos noong una niya itong makita ngunit pakiramdam niya ay mas gumanda pa ito ngayon.

    "Y-yeah."

    Napabaling naman ang dalaga ng tingin sa kanila at ngumiti ulit ito ng malaki sa kaniya. “Hey, I know you!”

    Kumaway siya dito kahit na magkaharap lang sila. “Hi.”

    Hindi na niya alam ang gagawin. Ito pa naman ang sitwasyon na iniiwasan niyang mangyari, at ngayon ay iisa lang siya. Mas kakalma sana siya kung kasama niya si Zeke o si Maqui.

    "Sa kanya ako nag-ask ng directions for your department when I passed your assignments sa prof mo nung may sakit ka," masayang paliwanag ni Joie kay Elmo nang kumunot ang noo ng binata sa batian nilang dalawa.

    So ibig sabihin siya din yung girl sa sa condo ni Moe nung bumisita ako.

    "Magkakilala pala kayo?" Dagdag na tanong ni Joie sa kanila.

    Bigla namang natauhan si Elmo. Kanina pa kasi ito balisa simula nang dumating si Joie. “Yeah. Um, Julie, this is Joie. Joie, she’s Julie. Zeke’s girlfriend.”

    Nanlaki ang mga mata ni Joie sa narinig.

    "Zeke’s… Oh my god! You’re THE girlfriend?!"

    Hindi niya maiwasang matawa sa reaksyon ng dalaga. “Um. The last time I checked, yes.”

    Nagulat pa siya nang bigla siya nitong yakapin.

    "I can see why he really likes you. Bagay na bagay kayo ng mokong na yun. You’re so pretty!"

    Mas pretty ka ‘teh. Kainis ‘to. Choz.

    "Uh, thanks! I didn’t know close din pala kayo ni Zeke," kunot noo ngunit nakangiti na sabi niya kay Joie.

    Tumango tango ito habang bumalik sa tabi ni Elmo at ikinawit ang braso sa braso nito. “I practically grew up with these two idiots, so yeah. The three of us were pretty much like bestfriends.”

    And I’m out of place.

    "But I haven’t seen him since I was back! We should hang out soon, the four of us, and catch up!" Pagyayaya pa ni Joie.

    "Zeke’s been busy lately but I’ll let him know," sagot ni Julie. Bumaling naman siya kay Elmo na kanina pa nakatitig lang sakanilang dalawa. "Or ikaw na magsabi sakanya, Moe, since kapatid mo naman yun."

    Napansin niyang napakunot ng noo si Joie ngunit hindi niya alam kung bakit.

    "Sure," maikling sagot ni Elmo.

    Ginamit niya ang pagkakataon na iyon para magpaalam na sa kanilang dalawa. Ayaw niya sanang maghiwalay sila ni Elmo na hindi pa talaga nagbabati ngunit hindi naman sila pwedeng mag-usap sa harap ni Joie.

    ”So, paano, I’ll go ahead na.” Humarap siya kay Joie at ngumiti. “Nice meeting you, Joie!”

    Lumapit ito sakanya nang hindi bumibitaw kay Elmo at bumeso sa kaniya. “You, too, Julie! We should be friends!”

    "Sure," sagot niya na nakangiti dito. Kay Elmo naman siya bumaling na parang may sasabihin pa ngunit nagpasya na lang na tumahimik. "Moe, bye."

    Hindi na niya hinintay sumagot ang binata, tumalikod na siya at naglakad palayo sa kanilang dalawa.

    Nakakailang hakbang pa lang siya nang hindi niya mapigilang lumingon pabalik. Paglingon niya ay naglalakad na din papunta sa kabilang direksyon si Elmo at Joie habang nakakapit pa din si Joie sa binata.

    Napabuntong hininga lamang si Julie. Tatalikod na sana ulit siya nang biglang lumingon din si Elmo pabalik sakanya, binigyan siya nito ng isang ngiti na hindi niya nakitang ginamit ng binata sa ibang tao, kahit na kay Joie.

    At alam ni Julie na ang ngiting iyon ay para lamang sa kanya.

     
  2. Distance (Chapter 9)

    Naglalakad si Julie sa loob ng campus papunta sa unang klase niya nang bigla siyang makatanggap ng text galing kay Zeke.

    Zeke: ‘Hon, nagkikita ba kayo ni Sam these past few days?’

    Huh?

    Julie: ‘Hindi eh. Bakit?’

    Zeke: ‘Hindi kasi nagpaparamdam lately kina Mama eh. Kahit sa akin. I’ve been worried.’

    Napaisip naman siya kung kailan niya huling nakita si Elmo. Pagkatapos kasi niyang ibigay sa binata ang birthday gift nito ay halos araw araw niya itong nakakasalubong sa hallway o di kaya naman ay sa cafeteria. May mga araw din na sumasabay din itong mag-lunch sa kanila ni Maqui kahit na hindi Friday. At saka lang niya na-realize na halos tatlong araw na rin nga niya itong hindi nararamdaman.

    Ano na naman bang nangyari dun? MIA na naman.

    Dahil alam niyang maaga pa siya para sa unang klase at hinihintay pa niya si Maqui ay naisip niyang dumaan muna sa coffee shop para bumili ng to-go coffee.

    Julie: ‘Oh.. baka makasalubong ko siya sa campus later. I’ll let him know. Gotta go. Later. :*’

    Zeke: ‘Okay, thanks. Love you.’

    Pagpasok pa lang niya sa coffee shop ay alam na niyang wala din si Elmo doon dahil ang kaibigan nito na si Seb ang nakabantay ngayon sa counter.

    "Oh, Julie!" Masayang bati nito.

    Ngumiti lang siya dito. “Hey, Seb.”

    Dahil sa magkaibigan na sila ni Elmo, naging kaibigan na din niya pati ang nag-iisang kaibigan ng binata. Si Seb ay kasing edad lamang nila ngunit hindi ito estudyante sa university nila. Matagal na itong huminto sa pag-aaral at nagttrabaho na lang para sa sarili. Matalino naman ito at madiskarte. Sa pagkakakwento ni Elmo, nakilala niya si Seb pagkauwi pa lang nito sa Pinas. Sabay silang nag-apply ng trabaho sa coffee shop.

    Pagkabigay ni Julie ng kanyang order sa binata ay bigla ulit itong nagsalita.

    "May hinahanap ka ba?" Pa-inosenteng tanong ni Seb.

    Kumunot naman ang noo niya dito. “Huh?”

    Tinawanan lang siya ni Seb bago sumagot ulit. “Wala si Elmo, absent. Two days nang may sakit.”

    Hala! Kaya pala..

    Si Elmo talaga ang ipinunta ni Julie sa cafe but she’s not about to admit it to his friend. Lalo na’t hilig yatang bigyan ni Seb ng malisya ang lahat ng bagay.

    "I’m not even looking for him," defensive na sabi niya.

    Kumindat lang ito na parang hindi naniniwala sa kanya. “Sure.”

    Ugh.

    Mabilis na siyang lumabas ng cafe at nagtungo sa building nila. Nasa may entrance na siya ngunit ayaw pa niyang pumasok dahil ang usapan nila ni Maqui ay sabay silang papasok dahil silang dalawa ang unang magka-partner na magrereport para sa araw na iyon. Ilang minuto na lang at wala pa din ang kanyang bestfriend kaya naisipan niyang i-text na ito.

    Julie: ‘Maq, where are you? Bilisan mo please. Male-late na tayo!’

    Maqui: ‘Eto na, sorry. Naghahanap lang ng parking slot. Traffic kaya kanina.’

    Magrereply pa sana siya nang mapansin niyang may isang figure ng babae ang tumayo sa harap niya. Ang akala niya ay si Maqui na ito kaya naman pag-angat niya ng tingin ay nagulat pa siya na isang magandang dalaga na hindi niya namumukhaan ang bumungad sa harap niya.

    "Um. Hi?" Nahihiyang simula ng bababe.

    Ngumiti naman siya dito ng matamis. “Hello.”

    Sino kaya ‘to?

    Lumingon lingon muna ang babae sa paligid bago muling bumalik ang mata sakanya. Bakas sa mukha nito ang pagod at pagkalito kaya malamang ay nawawala ito.

    Ngumiti ulit ito na parang hindi sigurado sa sasabihin. “Can you help me? I think I’m lost. I’ve been looking for the engineering building for an hour and I can’t seem to find it.”

    Ay, may accent. Kabog ako.

    Mukhang sosyal ito ngunit hindi naman ito mukhang maarte hindi katulad ng iba niyang schoolmate. Mabait ang mga mata nito at genuine kung ngumiti. May accent kung magsalita ngunit hindi naman iyong parang trying hard. Pasimple niyang tiningnan ito mula ulo hanggang paa. Naka-dress ito at naka-flats. Mas mahaba din ang buhok nito kesa sakanya. Nagiging kulay blonde ang buhok nito pag nasisinagan ng araw. Wala rin itong masyadong make up at accessories maliban headband na napaka-cute at sa kwintas nito na natatabunan na ng dress ang pendant. Mas maliit ito ng kaunti sakanya ngunit magkasingkatawan lang din sila halos.

    Ganda mo, girl. Nakaka-insecure. Choz.

    The girl looked at her with a worried expression and Julie realized that she hadn’t given her an answer yet. “Ah, malapit ka na. Magkatabi lang ‘tong Archi building at iyong hinahanap mo.”

    Sabay turo sa building na ilang metro lang ang layo sa kinatatayuan niya.

    Nakahinga naman ng maluwag ang babae at ngumiti ng napakalaki sa kanya. “Really? Oh, thank God. Ang sakit na ng paa ko kakalakad.”

    Napansin ni Julie ang mga dala nitong papel na nakarolyo at kung ano ano pa na mukhang requirements sa klase kaya hindi niya naiwasan magtanong.

    "Are you a transferee here?"

    Natawa naman ito bigla. “Not really.”

    Nalito si Julie sa sagot ng dalaga at nais pa niya sana na ipa-elaborate pa dito ang sagot nang bigla niyang matanaw si Maqui na mabilis na naglalakad papunta sa kinatatayuan nila.

    "Bes!" Sigaw nito.

    Nang makarating si Maqui sa pwesto nila ay bigla ulit ngumiti ang babae at bumaling ulit sakanya.

    "Uy. Thank you ha. I have to go. I really need to submit these before the deadline. See you around!"

    Nagulat pa siya nang mabilis itong bumeso sa kanya na parang close friends na sila. Ngumiti din ito kay Maqui bago tuluyang naglakad papunta sa katabing building nila.

    Nang makalayo ito ay bigla namang bumaling si Maqui sakanya at kunyaring sinamaan siya ng tingin.

    "Hoy, ikaw babae ka. Na-late lang ako ng konti may bago ka na agad bestfriend!" Pagddrama nito.

    Bigla naman siyang natawa sa banat ng matalik na kaibigan. “Sira. Nagtatanong lang ng directions yung tao.”

    "Sino yun? Kilala mo?"

    Umiling iling lang si Julie at bigla niyang narealize na hindi man lang sila nakapagpakilala sa isa’t isa.

    "Nope. I even forgot to ask for her name."

    Maqui playfully nudged her side and spoke. “In fairness bes, ang ganda ng kutis. Lamang sa’yo ng mga tatlong hilamos,” bulong ng kaibigan.

    Napahagalpak naman siya ng tawa dito. “Loka ka talaga!” Napatigil siya nang biglang tumunog ang bell at saka niya inirapan si Maqui na nagpapa-cute na nakangiti lang sakanya. “Yan na nga ba sinasabi ko! Tara na, late na tayo!”

    Tapos na ang klase niya para sa araw na iyon at patungo siya sa isang grocery store malapit sa campus para bumili ng stock ng pagkain niya sa apartment at iba pang bagay na kailangan niya para sa sarili. Buti na lamang at dala niya ang sasakyan niya ngayon dahil marami-rami din ang kanyang binili.

    Nilalagay na niya ang mga pinamili sa backseat ng kotse niya nang matanaw niya ang mga gamot na binili niya just in case siya ang magkasakit. Bigla niyang naisip ulit si Elmo at naalala na malapit lang sa grocery store na iyon ang condo ng binata.

    Kamusta kaya si Elmo?

    Baka namatay na yun kasi walang nag-aalaga sakanya, kawawa naman.

    Text ko kaya.

    Ilalabas na niya sana ang cellphone para mag-type nang may maalala.

    "Shoot! Wala nga pala ‘kong number niya," sabi niya sa sarili habang kinakaltukan ang sariling noo.

    Ilang buwan na kaming magkaibigan pero wala pa din kaming number ng isa’t isa.

    Ayoko naman hingin number niya kay Zeke. May ka-meeting yun ngayon.

    Lalo namang ayoko hingin kay Seb.

    Sumakay na siya ng kotse habang nag-iisip. Huminga siya nang malalim nang napagdesisyunan ang gagawin.

    Ilang blocks lang ang layo ng store sa building nila Elmo kaya wala pang sampung minuto ay nakarating din siya agad doon.

    Kung sa pagkakatanda niya ay unit 1206 si Elmo kaya sa doon na agad siya dumiretso sa 12th floor pagkatapos niya makahanap ng parking space. Isang beses pa lang siya nakakapunta sa condo ni Elmo at kasama niya si Zeke noon. May kinuha kasi ang kasintahan sa kapatid nito habang magkasama sila. Ngunit kahit kailan ay hindi pa siya pumunta doon nang mag-isa siya. Iniisip niya tuloy kung ano ang magiging reaksyon ni Elmo kapag nakita siya nito sa pinto ng binata.

    Pagkarating sa 12th floor ay isang diretso na agad sa hallway ang mga unit doon at mabagal siyang naglakad hanggang makarating sa pang anim na pinto sa kaliwa. Tumigil siya at matagal lang na nakatayo at nakatitig sa pinto ng unit 1206. Hindi kasi siya sigurado kung itutuloy pa ba ang pagbisita kay Elmo.

    Tama ba ‘tong gagawin ko?

    Bakit naman hindi eh bibisita lang naman ako sa may sakit.

    Huminga na siya ng malalim at sandaling pumikit. Pipindutin na sana niya ang doorbell nang may marinig siyang boses mula sa loob ng unit.

    "Sam. Wake up! Bakit dito ka sa couch natulog?" Sabi ng isang boses ng babae na parang pamilyar sakanya.

    Hindi niya maalala kung kanino ang boses na iyon ngunit sigurado siyang kilala niya iyon.

    "Uhh." Ungol ni Elmo.

    "Come on. Wake up. You have to drink your meds." May sinabi pa si Elmo ngunit hindi na ito naintindihan ni Julie dahil mahina at pagod ang boses ng binata. "Sam!"

    "Ugh. Okay, Mom," naiinis na lang na sagot ng binata.

    Nandito naman na pala si Tita Lea.

    Naisip niyang huwag na lang kumatok dahil baka maabala pa nito ang pagpapahinga ni Elmo. Sigurado na din kasi siyang may nag-aalaga na kay Elmo kaya napagdesisyunan niyang umalis na lang. Ngunit naisip niyang kahit papaano na ipaalam sa binata na dumalaw siya dahil alam niya din na wala masyadong kaibigan ito. Basta lang maiparamdam niya na may nag-aalala para dito maliban sa pamilya ng binata.

    Kumuha siya ng maliit na papel sa bag at doon nagsulat.

    'I heard you were sick. I just came by to check on you but good to know Tita Lea's taking care of you. Get well soon, Moe! PS. Call Zeke, he’s been worried. -J’

    Maingat at tahimik na isinuot niya ito sa ilalim ng front door ni Elmo. Muli siyang huminga ng malalim bago tumalikod at lumakad pabalik sa elevator.

    Pagkapindot niya ng button pa-lower ground floor, mula sa loob ng elevator, ay muli siyang humarap sa hallway kung saan siya nanggaling, nang mapansin niyang biglang bumukas ang pang-anim na pinto sa kaliwa. Biglang niluwa ng pinto si Elmo na lumingon lingon sa hallway at saka napatigil nang makita siya. Napansin niyang hawak nito sa kamay ang note na iniwan niya.

    Dahil sa gulat ay nanatili lang siyang nakatayo sa loob ng elevator at hindi na nakagalaw pa. Patakbo pa sana si Elmo papunta sa kanya nang di niya namalayang pasarado na pala ang pinto ng elevator.

    "Jul—"

    Nabitin sa hangin ang pangalan niya mula sa mga labi ni Elmo.

    "Sam was sick pala the other day," balita ni Zeke kay Julie.

    Weekend iyon at niyaya siyang lumabas ng kasintahan dahil day off nito. Palakad lakad sila sa mall habang naghahanap ng makakainan bago sila manood ng sine.

    "Yeah, Seb told me. Dumaan ako sa condo niya since I was around the area, Tita Lea was there."

    Kumunoot ang noo ng kasintahan sa sinabi niya. “What?” Lumingon ito sa kanya. “When was that?”

    Nagtaka naman siya sa reaksyon ng binata.

    "Noong isang araw, after my classes. Pagpunta ko doon, I didn’t bother to ring the bell since I figured Tita’s already there to check on him," paliwanag niya kay Zeke.

    Umiling-iling ito sakanya na parang hindi sumasang-ayon sa sinabi niya. “I was with Mama that day. Then Sam called her. Doon lang namin nalaman na may sakit pala siya,” tumingin ito sa kanya. “So malamang hindi si Mama iyon.”

    What? Hindi si Tita Lea?

    Eh sino?

    Nagkibikit balikat lamang siya dahil hindi na niya alam ang sasabihin. Kahit siya ay bigla ding naguluhan. “It was a woman’s voice.”

    Hindi maintindihan ni Julie ang kanyang nararamdaman. Alam niyang hindi siya dapat maapektuhan pero di niya maiwasan mag-react sa isip niya.

    Wala ngang kaibigan, madami naman palang chics.

    Turn off. Tsk.

    Pakialam ko ba.

    Hindi niya alam kung ano ang iisipin kay Elmo. Ayaw niyang husgahan ito ngunit hindi pa rin naman niya talagang lubusan na kilala ang binata.

    Baka naman kaibigan din talaga ni Elmo kasi inalagaan siya eh.

    Napapitlag naman siya nang marinig ang galit na boses ng kasintahan. “That asshole! He’s bringing girls to his condo?”

    Whoa.

    Hindi niya maintindihan kung saan nanggaling ang galit ni Zeke.

    "Why are you so angry? Malaki na ‘yang kambal mo, alam na niya ginagawa niya."

    Lumingon naman ito sa kanya na parang nagulat din sa mga salitang binitawan niya. Parang hindi ito makapaniwala sa kanyang mga sinabi. Tinitigan siya ni Zeke ng sandali at biglang nagbago ang expression ng mukha nito.

    "Hindi ba niya sinabi sa iyo?"

    "Huh?"

    Ano bang meron?!

    "Eh kasi diba—" naputol ang sasbihin ng kasintahan kasabay nang pagtigil nito sa paglalakad. "Wait."

    Napalingon siya dito at tumigil din maglakad. Tumitig siya sa binata at napansin na nakatitig lang ito sa likuran niya.

    "What?" Tanong niya sabay lingon kung nasaan ang tingin ni Zeke.

    "Is that Sam?"

    Si Elmo nga.

    Kumakain ito sa isang restaurant sa mall, iilang hakbang lang ang layo sa kinatatayuan nila. Nakatagilid ito sa kanila kaya hindi nito sila napapansin. Pansin niyang masigla na ulit ang mukha. Hindi kagaya noong nakita niya ito sa hallway ng condo nito na maputla at nangangalumata pa.

    "Yeah. I think so.." Saka lang niya napansin na hindi ito nag-iisa at may kasama itong babae sa table. "Look, may kasama siya."

    May sakit pala ah.

    Hindi niya makita ang mukha ng babae dahil natatabunan ito ng mahaba nitong buhok na kulay brown. Muli siyang napalingon sa kasintahan nang maramdaman niyang napapitlag din ito.

    "Holy—She’s back!" Masayang sabi ni Zeke na katabi niya lang.

    Ano daw? Sino?

    "Huh?" Pagbaling ng kanyang paningin kung nasaan si Elmo at kasama nito, sa wakas ay nakita na niya ang gilid ng mukha noong babae.

    Napakunot noo siya. Namumukhaan niya ito.

    "Wait. I’ve seen her in campus the other day! She asked me for directions. Do you know her?" Takang tanong ni Julie kay Zeke.

    "She’s Joie!" Masayang ngumiti si Zeke sakanya na parang ini-expect nito na kilala niya din si Joie.

    "Sesame’s girlfriend!"

     
  3. Last Duet

    Note: I originally got the idea from JuliElmoMEDICS’s tweet. And I just wrote a one shot out of it. :)

    Julie was breathing hard by the time she finished her last song for the night. She could barely hear the final roll of the drums as her almost 60,000 fans screamed their hearts out for her, chanting her name over and over again like it was some prayer, at the Philippine Arena.

    She should have been exhausted and drained from all the songs and dance numbers she performed during her 2-hour concert but right now, as she scanned the endless heads smiling up at her, she had never felt more alive than before.

    Hindi niya maiwasang mag-reminisce sa nagdaan na isang dekada ng career niya. Halos sampung taon na ang lumipas simula nang tuluyan siyang makilala lalo ng mga tao ngunit pakiramdam niya ay parang kahapon lang lahat ng iyon. Ngayon, habang pinapakinggan niya ang sigaw ng mga adiks na pumunta para lang mapanood siya ngayong gabi, hindi niya maiwasang maging emosyonal at mapaluha.

    Pagkalipas ng ilang minuto sa wakas ay medyo kumalma na ang mga taga-hanga niya. Ginamit niya ang pagkakataon na iyon para magsalita.

    "Thank you so much everyone for coming!!! From the very start of my career, you’ve always been there to support me in everything. And until now, on my 28th birthday and my 9th major concert, nandito pa din kayo at never niyo akong iniwan! Kaya maraming maraming salamat po! Sobrang mahal ko kayong lahat adiks!" Sigaw niya sa mic na hawak niya habang kumakaway sa libo libong taong sumusuporta sakanya.

    Sabay sabay na naghiyawan ang mga ito bilang tugon at halos mabingi na siya sa lakas ng cheer sakanya ng kanyang mga fans. Kinakabahan pa nga siya dahil sa taas ng intensity ng mga ito ay baka biglang gumuho ang buong arena.

    Sa umpisa ay puro sigaw lamang ang naririnig niya sa kanyang fans nang di tumagal ay may isang salita na lamang ang binibigkas ng bawat isa sa mahigit na 50,000 na adiks na nandoon.

    Natawa si Julie nang maintindihan na niya ang hinihiyaw ng mga ito. “Encore! Encore! Encore! Encore!”

    "Ha? Gusto niyo pa ng isa?"

    Kahit na halos wala na rin siyang boses at talagang pagod na siya ay gusto niyang pagbigyan ang kahilingan ng mga ito. Ano ba naman ang isa pang kanta sa sobrang tindi ng suporta na binibigay ng mga fans niya sakanya di ba.

    Isang malakas naman na sigawan ulit ang sagot ng mga adiks sakanya. “Yeeeaaahhh!!”

    Tumawa siya ulit ng malakas at umiling iling sa mga ito. “Sige, last na ‘to ha.”

    Muli, isang malakas na hiyawan ang isinagot nito sakaniya.

    Namimili pa siya ng isa sa mga kantang inihanda niya just in case mag-request nga ang mga manonood ng encore. Lalapit na sana siya sa banda at musical director niya nang nagsimulang tumugtog ang mga ito.

    Napatigil siya sa kinatatayuan sa stage dahil sa gulat at nagtataka siyang tumitig sa musical director niya. Ngumiti lang ito pati na din ang buong banda na tumugtog para sakanya sa gabing iyon.

    Biglang nagtilian ang mga fans nang marinig nila ang tinutugtog ng banda. Obviously, alam na agad ng mga ito ang kanta ngunit wala pa din siyang ideya. Hindi kasi iyon kasama sa mga kantang ni-rehearse nila. Pamilyar sakanya ang intro ngunit hindi niya talaga maalala kung ano ang kantang ito. Lalapit na sana siya ulit sa banda para patigilin ang mga ito nang bigla niyang narinig ang isang boses sa mga speakers.

    Shawty’s love is like a pyramid

    Si Elmo.

    At tuluyan na ngang dumagundong ang buong Philippine Arena sa lakas ng tilian sa loob ng stadium.

    We stand together till the very end

    Lumabas ito mula sa backstage at mabagal na naglakad papunta mismo kung saan siya nakatayo sa stage. Sa pangalawang pagkakataon ay napatigil lang siya gulat at walang ideya sa mga pangyayari sa sarili niyang concert.

    There’ll never be another love for sure

    Nakangiti si Elmo sakanya nang malaki na parang ini-enjoy ang pagkagulat niya. Habang kumakanta ay may dala itong isang bouquet ng roses na iba’t iba ang kulay: white, red, pink, yellow at orange, at iniabot nito ang mga iyon sakanya.

    Elmo and Julie let we go

    Sa nakalipas kasi na walong taon ay kasama sa mga nangyari ang pagkakatuluyan nila ng binata. Pagkatapos na pagkatapos niyang grumaduate ng college ay muling nagparamdam si Elmo sakanya. Dahil tapos na ang isa sa mga top priorities niya, ang pag-aaral, sa wakas ay nabigyan na niya ng pagkakataon ang mga matagal nang nagpaparamdam sakanya. At isa na si Elmo sa mga ito. Sa lahat ng nanligaw sakanya ay si Elmo lang talaga ang tunay na nakakakilala sakanya kaya ito lang din ang matiyaga at nagtagal na nanligaw sakanya. Maging ang mga magulang niya ay niligawan din ng binata. Lahat ng issues nilang dalawa noong mga teenager pa sila ay nalinaw na sa pagitan nila at wala na siyang dahilan para patagalin pa ang panunuyo nito. Dahil ayaw man niya aminin, matagal na rin niyang hinihintay ang pagkakataon na magkatuluyan sila ni Elmo.

    Kung masaya silang dalawa dahil sa wakas ay sila na, mas masaya ang kanilang fans na hindi lang sa career sila nagkatuluyan kundi sa totoong buhay. Ngayong taon ay 7th year anniversary na din nila ni Elmo. Hindi naging madali sa kanilang dalawa ang nagdaan na pitong taon. Nagkaroon din sila ng issues at mga away ngunit ginawa nila ang lahat para maayos agad ang mga ito. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip nila ang maghiwalay.

    At ngayong gabi nga ay isa din ang binata sa mga special guests niya. Kaya nagtataka siya kung bakit lumabas ulit si Elmo ng stage para kumanta dahil nakapag-perform na ang JuliElmo kanina.

    Dahil gulat pa din si Julie, hindi siya nakakanta sa part kung saan alam niyang siya ang dapat na kakanta kaya itinuloy ni Elmo ang pagkanta hanggang sa first verse.

    Stones, heavy like the love you’ve shown
    Solid as the ground we’ve known
    And I just wanna carry on
    We took it from the bottom up

    And even in a desert storm
    Sturdy as a rock we hold
    Wishing every moment froze
    Now I just wanna let you know

    Earthquakes can’t shake us
    Cyclones can’t break us
    Hurricanes can’t take away our love

    Isa pa ay hindi na rin niya kabisado ang lyrics nito dahil 12 years na ang nakakalipas simula noong una at huling beses nilang kinanta iyon.

    Kung saan nagsimula ang lahat.

    Nagtataka man ay natatawa siyang sumabay kay Elmo sa chorus dahil biglang lumabas sa prompter sa harap niya ang lyrics ng kanta. Naisip niya tuloy na siya lang talaga ang hindi nakakaalam na ipeperform nila ni Elmo ang kantang iyon sa concert niya.

    Pyramid, we built this on a solid rock
    It feels just like it’s heaven’s touch
    Together at the top, like a pyramid
    And even when the wind is blowing
    We’ll never fall just keep on going
    Forever we will stay, like a pyramid

    Like a pyramid like a pyramid eh (ooh)
    Like a pyramid like a pyramid eh (ooh)
    Like a pyramid like a pyramid eh eh (oooh)

    Nang hawakan ni Elmo ang kamay niya ay doon niya lang ulit naalala na nasa harap sila ng libo libo nilang fans na lumakas ang tilian dahil lamang sa simpleng contact ng kanilang mga kamay at lalo siyang natawa sa mga nangyayari sa paligid niya. Hanggang ngayon ay namamangha pa din siya sa epekto nila sa kanyang mga fans. Kahit na mahigit isang dekada na ang nakalipas kasi ay hindi pa din kumukupas ang kilig ng mga ito kahit na madalas na nilang makita ang dalawa na magka-holding hands.

    Lalo na pag nagkiss kami. Jusko. Parang end of the world na.

    Magkahawak kamay, nagpatuloy si Julie sa pagkanta habang si Elmo naman ay nakatitig lang sakanya.

    Cold, never ever when you’re close
    We will never let it fold
    A story that was never told
    Something like a mystery

    Kahit na ilang taon na silang magkasintahan, hindi nagbago kung paano siya tinititigan ni Elmo na parang siya lang ang mundo nito. Kahit sa mga panahon na nagtatalo sila.

    And every step you took we’ve grown
    Look how fast our time has flown
    A journey to a place unknown
    We’re going down in history

    Earthquakes can’t shake us
    Cyclones can’t break us
    Hurricanes can’t take away our love

    [Repeat Chorus]

    Pyramid, keep it going

    Elmo let go of her hand as he sang and wrapped an arm around her waist, pulling her closer to him. Just like the old times, they were wrapped in their own bubble on the stage despite the thousands of fans watching and screaming for the name that binded them as one.

    JuliElmo.

    She realized how the song fit their story. And it was ironic how it was the same song they sang for the first time as a tandem and then, 12 years later, it was also the song she would use to describe exactly how strong their love for each other right now.

    Like a pyramid.

    Then Elmo went on to rap his part as he intently looked at her like he was telling her something more than just the lyrics of the song.

    Like a pyramid girl let me show you
    That I love you so much
    That we gonna get through (oh oh)
    Even when there’s storms
    I will never go, Ima be the one to keep you safe (hey)
    Before was our love back it up more than enough
    Holding on to one another be the cover when it’s rough (oh oh)
    Mother nature (hey) or disaster won’t stop at happy ever after

    She knew she was about to belt the highest note in the song when all of a sudden, the music stopped. And Elmo released her to step back.

    For the third time, she was dumbfounded by everything and all she could do was stare at her boyfriend.

    The fans were probably as surprised as she was, as they eventually stopped cheering and just quieted to hushes on the background.

    Elmo smiled at him nervously. When he was sure everyone was now calm and waiting for what was going to happen, he finally spoke. “Baby…”

    "Waaaaah!!!" The fans screamed. But she remained silent.

    He then continued despite of the deafening noise. “We’ve been through a lot together. Everyone in this arena knows that. They knew how long I waited just so I could finally make a move on you. I’ve strayed along the road but I still found my way to you. I had been so patient and consistent while I was courting you. And I remember it was not easy. Even after seven years. Everything about you wasn’t easy. Even up until now.. This isn’t easy,” he said, his voice cracking at the last word.

    She didn’t know what else to do but just stare at him in panic and confusion as she had no idea where he was going with his sudden speech. Even their fans were as quiet as they could.

    Oh my God. Are you breaking up with me?! Tonight? Here? Sa concert ko talaga? In front of more than 50,000 people?!

    He smiled reassuringly at her like he could read her mind. She knew the look on her face gave her away. He opened his mouth to speak again.

    “But if there was one thing I realized from everything I’ve been through just to be with you.. It was that.. something that lasts forever never comes easy.”

    What? Oh my God.

    "And you know what? It was all worth it. And I’d do it all over again if that meant being with you forever," he confessed softly as he looked straight into her eyes.

    She stopped breathing and her jaw touched the floor the moment Elmo suddenly dropped to his knees in front of her. Her eyes widening in pure shock as she realized what he was planning to do all along. She could barely register the collective gasps of thousands of people in the arena. Tears immediately escaped her eyes as she watched him pull out a simple but elegant platinum band with a big diamond rock on it from his chest pocket.

    Elmo looked up and she noticed for the first time the tears in his eyes. “Julie, baby. I love you so much. Will you spend your forever with me?” He whispered.

    She fought the urge to jump as she managed to squeak out her answer. “Oh my, God! Yes!”

    The whole crowd at the Philippine Arena went ballistic. Everybody was screaming that people from the outside would think there was a genocide happening at the moment. Elmo stood up with shaking knees then she tackled him for a fierce hug, wrapping her arms tightly around his neck as he kissed her forehead.

    Everyone cheered for JuliElmo. The paramedics and security team were alert and ready if ever some of the fans might think of jumping off the balcony in excitement and ecstasy. All of them were sobbing as they watched their favorite couple hug in pure bliss. Julie knew each and every one of them was waiting for this moment more than their own dream proposal. And she knew they were as happy for them as she was. She was glad that they could get to share this special moment with them. Julie wanted to thank Elmo for choosing that moment to propose to her.

    The band continued to play where they left off but Julie was too busy crying she wasn’t able to belt out the line.

    "I love you," she heard Elmo whisper to her ear.

    "This is the most epic proposal, Moe. Ever. I love you so much," she squealed.

    Julie leaned back to wipe Elmo’s tears and he did the same thing for her. He then gave her a short but very passionate kiss in front of the world that the screams got louder they could bring the whole house down.

    Pyramid, we built this on a solid rock
    It feels just like it’s heaven’s touch
    Together at the top, like a pyramid
    And even when the wind is blowing
    We’ll never fall just keep on going
    Forever we will stay, like a pyramid

    It was their fans singing along the last chorus as the back up singers for them. When they pulled away from each other, they saw all of their hands raised up in the air and swaying them from left to right as each of everyone cried with them out of joy.

    Julie and Elmo finally sang along even though their voices were hoarse from crying and every individual at the stadium was singing Pyramid with a smile on their faces because they were all aware how important the song was for the fandom.

    Like a pyramid, like a pyramid, yeah (3x)

    And as she sang the last line, Elmo and Julie stared at each other lovingly like they always did after their perfomances together. She couldn’t help but smile at the fact that the first song she and Elmo performed a duet was also their last duet as a loveteam.

    Because the next time they would sing together, they are finally husband and wife.

    "Pyramid."

     
  4. Distance (Chapter 8)

    It was raining hard in the middle of the night and Julie was running toward the road. She was hurrying to get past the woods so she could get to her car, she couldn’t remember why though. Her clothes were already soaking wet and her hair was sticking all over her face by the time she reached the highway jst after the bridge. Her car was parked hastily across the road and just when she was about to cross, she suddenly heard the blasting horns from her left and when she turned to where the sound was coming from, bright flashes of headlights came out of nowhere and blinded her vision. The next thing she knew she was lying on her back, a warm liquid dripping from the side of her head. She didn’t feel anything other than the raindrops falling on her skin. She was too numb and all she could do was try not to cave in to the darkness that was slowly filling her. But it was already too late…

    *ding dong, ding dong, ding dong*

    Bigla siyang nagising at napabangon sa kama. Na-realize niyang panaginip lang pala iyon. Mabilis pa din ang tibok ng puso niya at pinagpapawisan ang likuran at noo niya.

    Was it another piece from the night of the accident?

    *ding dong, ding dong*

    Napabalikwas naman siya nang tumunog ulit ang doorbell ng apartment niya.

    Ang aga aga, lakas mang-abala.

    Not minding how she looked, Julie immediately went to the front door to see who was bothering her early in the morning.

    "Hon!" Si Zeke.

    Nagulat siya nang ang kasintahan ang bumungad sa pinto ng apartment niya. Napapikit-pikit pa siya at saka nilingon ang wall clock na nakasabit malapit sa pinto.

    4:16 PM.

    Hapon na?

    Oh, shit. Kakauwi ko nga lang pala kanina from celebrating Elmo’s birthday!

    "Oh… Zeke?" Naalala niyang dapat ay nasa Cebu pa ang kasintahan kaya hindi niya maiwasan magtaka. "Anong ginagawa mo dito?"

    Sa halip na sagutin nito ang tanong niya ay bigla itong humakbang palapit sakanya at kinabig siya para yakapin ng mahigpit.

    "I flew back home as soon as I heard what happened last night," bulong ng boyfriend niya na parang hinihingal pa. "I’m so sorry, hon," malungkot na dagdag nito habang tumingin sa mga mata niya.

    Dahil nga sa kakagising pa lamang niya ay hindi pa masyadong nagsi-sink in kay Julie na nasa harap ang kasintahan pati ang mga sinasabi nito.

    She just stared at him blankly and he looked back at her expectantly. Nang marealize niyang hinihintay pala siya nitong magsalita ay itinanong na lang niya ang unang bagay na pumasok sa utak niya.

    "Wait, what? How did you know?" Kunot noo niyang tanong kay Zeke.

    Pumasok muna ito sa loob ng apartment niya at isinara ang pinto. Hinila siya nito papunta sa sofa at umupo.

    When she glanced at her boyfriend, she noticed that his face hardened. And she knew he was mad at her. “Mama told me this morning. Bakit di mo sinabi sa akin kagabi while we were talking on the phone?” He demanded, his voice was low and calm but his face showed otherwise.

    Nagulat siya sa tono ng boses nito. “I.. I just didn’t want you to worry about me while you were working,” she answered, stuttering.

    He looked at her incredulously. “I’m your boyfriend! I’m supposed to protect you and take care of you!”

    "Well, maybe you should’ve never ditched me in the first place."

    The words came out of her mouth before she knew it. She didn’t mean to say it out loud but it was too late to take it back.

    Zeke looked like she just slapped him and she suddenly felt guilty for being a bitch. Alam naman niyang nag-aalala lang ang binata sakanya.

    She was about to apologize when Zeke beat her to it. “I’m so sorry,” he whispered, remorseful and defeated. He looked down to avoid her eyes.

    Great, Julie. Now your boyfriend feels like shit for ditching you when he didn’t mean to.

    And now you’re feeling like shit for making him feel like shit.

    She moved closer to him and reached out for his face. She cupped his cheeks to make him look at her and she saw the sadness and regret in his eyes. She almost wanted to cry.

    "No, Zeke. I didn’t mean it. I’m sorry." Her voice broke at the last sentence.

    He shook his head weakly and whispered. “No, you’re right.”

    "It’s not your fault. Okay? Besides nothing bad happened naman eh." Then Julie remembered Elmo’s bruises. "At least, to me," she added.

    Speaking of the muppet, silang dalawa lang ang nakakaalam nang kamalasan niya kagabi kaya tinanong niya si Zeke. “How did Tita Lea know?”

    "Sa bahay nila Mama umuwi si Sam kaninang umaga and she freaked out when she saw his face," Zeke answered as he wrapped an arm around her waist to hug her to his side. "She demanded kung anong nangyari. And then she called me."

    "Yeah, Elmo came to the rescue," she confirmed, gratefulness was evident on her voice. She again noticed the scowl on his boyfriend’s face and she realized he must’ve been mad at Elmo for not calling him either. She immediately added, "Don’t get mad at him for not telling you either. I asked him not to."

    Tumitig lang ang binata sakanya at tumango. Bigla namang kumunot ang noo nito.

    "Bakit ngayon ka lang bumangon ng kama? Are you sick?" Tanong ng kasintahan habang sinasalat ang noo niya.

    "No. I was out with Elmo until 6 in the morning," paliwanag niya. Hinuli niya ang kamay nito nang may maalala at pabirong kinurot. "You didn’t tell me you were twins!"

    Nagulat naman si Zeke sakanya. “He told you that?”

    Tumango siya. “And after the incident, I asked him to hang out with me and we celebrated his birthday. Hindi rin kasi ako makakatulog agad and I didn’t want you to worry,” pagkkwento niya sa kasintahan.

    Naisip niyang wala namang masama sa ginawa nila ni Elmo at hindi naman niya iyon kailangan itago kay Zeke dahil wala naman iyong malisya. Kaya ikinwento niya ang mga nangyari kagabi. Simula sa pag-uwi niya at pagharang sakanya ng mga holdaper, yung pagdating ni Elmo at nang mga baranggay tanod, yung paghatid sakanya ni Elmo sa apartment at pagkaiwan ng phone nito kaya niya nalaman, hanggang sa paglabas nila at pagbili niya ng cake para sa binata.

    Nang matapos siyang magkwento ay hindi niya mabasa ang mukha ng binata.

    "Really?" Iyon lang ang nasabi ni Zeke.

    Kinabahan naman siya dahil baka kung ano na ang iniisip ng boyfriend niya. “Galit ka ba?”

    Natawa ito sa tanong niya at ngumiti ng malaki sakanya. “No, of course not.”

    "Talaga?" Hindi iyon ang ini-expect na sagot ng binata ngunit nakahinga naman siya ng maluwag sa reaksyon nito.

    Kinabig siya ni Zeke para halikan sa pisngi. “Yeah. Thanks for taking him out,” masayang sabi nito sakanya. Mukhang masaya ang kasintahan para sa kapatid nito na sinorpresa niya ito kaninang umaga, ngunit bigla din itong lumungkot. “He doesn’t really want to celebrate it every year. He needed that.”

    Nagatataka man sa huling sinabi ng binata ay bigla niyang naalala na birthday din ngayon ni Zeke.

    Natawa siya nang ma-realize niyang hindi niya pa ito nababati. Niyakap niya ito nang mahigpit at hinalikan sa ilong. “I missed you. Happy birthday, Zeke.”

    Napangiti si Zeke sa paglalambing niya. “Thank you, honey. I’m glad nothing happened to you. Promise talaga babawi ako.”

    "What about your work in Cebu?"

    Bigla siyang nag-alala na may trabaho pa itong dapat tapusin. Iyong pagbalik pa lang ng biglaan ni Zeke para makita siya ay nakabawi na agad ito sakanya kaya hindi na nito kailangan magtagal lalo na’t importante ang meeting nito sa araw na iyon.

    Ngumiti ang kasintahan sakanya na parang batang nahihiya. Nagtaka naman siya sa hitsura nito.

    "I cancelled all my appointments this weekend and for the whole coming week so I can make up for all the lost time and so we can spend more time together," malambing na sabi ng kasintahan.

    Nagulat at nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. “You did that?” Tumango si Zeke. “For me?” Ngumiti lang ito nang matamis kaya napatalon siya sa sofa at niyakap niya ito nang mahigpit. “I love you!”

    Aw. Feeling ko ako yung may birthday.

    True to Zeke’s words, they spent every single day of the past week together. They celebrated what’s left of his birthday that day when he came back and they had the whole Sunday all to themselves. Then Zeke would drive her to campus and pick her up after her classes to spend time with her every day. They also went shopping together & hung out somewhere, if they didn’t feel like staying at her apartment or his condo to watch reruns of their favorite shows and movies.

    It had been a wonderful week with his boyfriend and it reminded her of the days when they were still bestfriends. She remembered all the reasons why she loved Zeke in the first place.

    It was already Friday and Julie was hanging out in the cafeteria with her bestfriend. She was suddenly feeling anxious about something but she couldn’t pinpoint what exactly it was about.

    She was trying to finish her late lunch when Maqui spoke. “Hoy, bes ah. Haba talaga ng buhok mo!”

    Julie rolled her eyes at her bestfriend. “Bakit na naman ba, Maqui.”

    Natawa lang ang kaibigan sa tono ng boses niya. “Akalain mo yun, yung jowa mong mala-Christian Grey sa pagka-busy sa pagpapayaman, nag-off for one week para lang makasama ka!” Exaggerated na sabi nito at pabiro pa siyang sinabunutan. “Ikaw na talaga!”

    Napahagalpak siya ng tawa sa sinabi nito. “Christian Grey talaga? Mas gwapo naman si Zeke dun ‘no,” Pagbibiro niya.

    "Ah.. Kala ko sasabihin mo si Elmo eh," nakakalokong sagot ni Maqui sakanya.

    Naikwento niya kasi kay Maqui ang nakaka-trauma na sinapit niya noong nakaraang linggo at ang pagligtas ni Elmo sakanya. Ngunit hindi na niya sinabi sa kaibigan na ni-celebrate din nilang dalawa ang birthday ng binata dahil alam niyang bibigyang malisya lang iyon ni Maqui.

    Napakunot naman ang noo niya dito. “Saan na naman nanggaling yan?”

    "Eh kasi parang the whole week na kasama mo yung boyfriend mo dito at sa labas ng campus… umiikot yang ulo mo na parang may hinahanap eh. Kulang na nga lang ma-detach yan sa katawan mo at magpalutang lutang dito sa campus na parang ligaw na puso este kaluluwa," pang-aasar ni Maqui.

    Sa nakaraang linggo din na iyon kasi ay ni hindi niya man lang nakita kahit anino ni Elmo. Hindi naman sa namimiss niya ito. But she knew that ever since that night, something has changed between them. She was just not sure if it was a good or a bad kind of change. That was why she had been watching out for him the whole week, so she could find out how it changed the things between them, but oddly he never showed up. Not around the campus or in the cafe when she would buy a coffee for herself during his usual shift. Not even when Lea, Zeke’s mom, invited them over for dinner at their house. She said Elmo had been working late and couldn’t take off.

    Wow, mas busy pa kay Zeke? Seryoso ba yun?

    Julie tried to play it off since her bestfriend was watching her like an eagle, trying to get a reaction from her. But God knew how right her bestfriend was but not for the reasons Maqui was thinking.

    Julie just laughed and playfully swatted Maqui’s arm.

    "Baliw ka! Napaka-assumera mo talaga. Sabunutan kaya kita dyan." Pagbibiro pa niya habang inuubos ang pagkain. Pinilit naman niyang ibahin ang topic dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan nila. "Bakit ba nandito ka?! Di ba may class ka?"

    Napakamot lang noo si Maqui bago sumagot. “Nakakatamad eh. Yung matandang parang dracula magsalita na naman yung prof ko,” nakasimangot na sabi nito habang inaayos ang gamit sa table. Nang napaangat naman si Maqui nan tingin ay biglang napatili ito nang mahina na ikinagulat niya. “OMG. Speaking of the hottie..”

    Natatawang kumunot ang noo ni Julie sa kaibigan. “Sino? Yung prof mong parang dracula?”

    Bago pa nakasagot si Maqui ay narinig niya bigla ang isang boses na naging pamilyar na sakanya.

    "Hi." Si Elmo.

    Hindi siya nakagalaw sa kinauupuan dahil sa gulat, kung kailan naman kasi hindi siya prepared ay saka ito nagpakita. Although it now made sense kung bakit kanina pa siya hindi mapakali—Friday ngayon at tuwing araw na iyon sila nagkakasabay ni Elmo sa cafeteria. Ngunit dahil nga isang linggo itong walang paramdam ay hindi na siya nag-expect na makikita niya ang binata sa araw na iyon.

    Umangat ang tingin ni Julie sa binata at pagkatapos ng isang linggo ay nakita niya ulit ang gwapong mukha nito na nakangiti sakanya.

    Oh. So it was a good kind of change since he was smiling at me..

    Kala ko iniiwasan ako ng mokong na’to eh.

    Bakit naman niya ako iiwasan? Kung ano ano iniisip mo, Julie Anne.

    Napansin niya rin na hindi na halata ang mga pasa nito sa mukha kaya napangiti siya dito pabalik.

    "Hey, Moe," pagbati niya dito. Lalo namang lumuwag ang ngiti ni Elmo sakanya na nakatayo pa din sa harap nila.

    Napansin naman niya ang biglang paglingon sakanya ni Maqui. Alam niyang nagtataka ito sa itinawag niya kay Elmo dahil nakataas ang kilay nito sakanya. Hindi niya rin alam kung saan nanggaling ang pangalan na iyon.

    All she could remember was in that moment while they were watchin the sunrise, he looked so young and he seemed more like a “Moe,” like a child’s nickname, than an “Elmo” which was too formal.

    "Um. Ah, bestfriend ko nga pala. Si Maqui. Maq, si Elmo-slash-Sam. Twin brother ni Zeke," pagpapakilala niya sa isa’t isa para muling mabaling ang atensyon ng kaibigan sa binata kaysa sakanya.

    Nanlaki ang mata ni Maqui sa narinig. “Twin brother?!” Alam niyang magugulat si Maqui tungkol doon dahil hindi pa niya ito naikwento sa kaibigan. “Eh teka, bakit mas gwapo ka sa kapatid mo?” Seryoso pang tanong nito kay Elmo.

    Nagtawanan lang silang tatlo at si Maqui na ang nag-imbita sa binata na maupo sa table nila.

    Agad na nag-click si Maqui at Elmo dahil mas madaldal ang bestfriend niya kesa sakanya. Si Elmo naman ay tumatawa lang at bumabanat din paminsan minsan habang siya ay nakikinig lamang sa dalawa. Hindi naman siya naa-out of place sa dalawa, talagang mas gusto niya lamang panoorin ang mga ito. Mas naoobserbahan niya kasi si Elmo. Napansin niyang mas mukang at ease ito sa ibang tao kaysa sa sariling pamilya. Maliban kay Zeke na kahit isang beses pa lang niyang nakikita ang mga ito na magkasama, alam niyang si Zeke ang tinuturing nitong matalik na kaibigan.

    Masaya siya para kay Elmo, dahil bukod sa kapatid nito at sakanya ay nadagdag na si Maqui sa mga kaibigan ng binata. Naalala niya tuloy iyong unang beses na nagkasabay sila sa cafeteria. Walang kaibigan dito ang binata.

    Pagkatapos ng dalawa’t kalahating oras ay nagpaalam na si Maqui para pumasok sa huling klase nito kaya silang dalawa na lang ulit ni Elmo ang natira sa cafeteria.

    Lumingon si Elmo sakanya. “Hey, bumblebee. Long time no see,” nakangiting sabi nito.

    Natawa siya sa nickname ng binata sakanya. “Oo nga eh. Buti wala nang bangas yang mukha mo,” pang-aasar niya.

    "Yeah, thank God. When I get back to work in the cafe last Monday, yung mga customers namin natatakot umorder sa akin," natatawang pagkkwento nito sakanya.

    "You still work there?" Hindi niya maiwasang magulat. "Bakit di yata kita naaabutan dun kapag tumatambay kami ni Zeke or Maq?" Seryosong tanong niya.

    Bumalik na naman tuloy iyong pakiramdam niyang iniiwasan siya nito.

    "Ah, naging graveyard shift ako eh. But I still get to sleep in the afternoon after my classes," kaswal na sagot ni Elmo.

    Mukhang hindi naman talaga umiiwas. Paranoid lang ako.

    "Wow. I really don’t get it, bakit kailangan mo pa mag-part time job eh mayaman naman kayo?" Tanong niya.

    Hanggang ngayon kasi ay hindi pa din niya gets kung bakit kailangan magtrabaho ni Elmo kahit na nag-aaral pa ito.

    Nagkibitbalikat lang si Elmo sakanya. “It’s just the way I am. I don’t want to be a burden sa parents ko. And besides, I like being busy,” he answered dismissively.

    Na-distract naman si Julie nang mapansin ang dalawang estudyante na nagkabungguan papasok ng cafeteria. Nasagi noong lalaki iyong babae papasok kaya nahulog ang mga libro noong babae at tinulungan ito noong lalaki sa pagpulot. At habang ginagawa nila iyon ay nagsimula ang dalawa mag-usap at magpakilala sa isa’t isa.

    Bigla niyang naalala kung paano sila nagkakilala ni Zeke. Naisip niyang maraming beses mo pwedeng makilala ang isang tao na hindi mo akalain na mamahalin mo. Medyo brutal nga lang iyong sakanila ni Zeke ngunit doon nagsimula ang lahat.

    "Moe." Lumingon ito sakanya. "Naniniwala ka ba sa soulmate?"

    Napakunot ang noo nito at tumawa. “Huh? Ang random mo,” pang-aasar ni Elmo.

    Dinedma niya lang ito. “Answer?”

    "Nope," simpleng sagot ng binata.

    Siya naman ang napakunot ang noo dito. “Why?”

    "I just refuse to believe that the future is predetermined," he started. "Like even before you were born, it’s already decided that you’re supposed to be with this another person when the time comes. It’s bullshit. It should be your choice. Not the universe’s."

    Ito ang gusto niya sa binata. Kahit na para sa ibang tao ay korni ang ganoong topic, seryoso si Elmo pagdating sa mga sarili niyang paniniwala sa buhay.

    Natawa naman siya dito. “Ang KJ mo. Don’t you like the idea na may isang tao na talagang nakalaan para sa’yo?”

    Nag-isip muna si Elmo na parang ikino-consider ang sinabi niya. “But what if you don’t even like that person. Or you don’t have anything in common. How are you going to be with them?” Ganting tanong nito sakanya.

    "Simple. Eh di hindi siya yung ‘the one,’" sagot ni Julie. Napangiti siya nang meron siyang marealize sa sagot ni Elmo. "Hindi ka pa nai-in love ‘no?"

    Elmo just shrugged and didn’t bother to answer. So Julie continued to speak.

    "You’d know she’s ‘the one’ when you finally met her. And you’re going to be with her no matter what happens because you’re supposed to be together," seryosong pahayag ni Julie.

    She expected a comeback answer from Elmo but he just remained serious and silent. He then looked at her and cocked his head to the side.

    "What if even when I already met ‘the one,’ I just plainly don’t want to be with her?" He asked her, a crease forming between his eyebrows again.

    Why are you always frowning?

    Her fingers automatically reached out to smooth the frown the way she did at the beachside. Then Julie answered, “Aw. That’s tragic, Moe. But you wouldn’t be able to help it.”

    Ngumiti lang ito sakanya at saka bigla nang tumayo. “I gotta go.”

    "Uwi ka na?" Nagulat siya sa biglang pagpapaalam nito.

    "Yup."

    "Wait!" Bigla din syang napatayo at mabilis na may kinuha sa bag. Nahihiyang inabot niya ito dito. "Para sa’yo. Birthday gift."

    It was a dark blue beanie made of soft denim cloth. It also has a tiny pocket at the side of the base as a design. And it was as simple as that. Julie figured out on his birthday that blue was Elmo’s favorite color through the blueberry cheesecake. And she noticed that he liked to wear beanies so when she saw it at the mall while shopping with Zeke, she immediately bought it for Elmo.

    "Oh." He was speechless and the surprise was written all over his face.

    Elmo moved closer to her as if to reach for the piece of cloth, but he suddenly sat down at the chair in front of her and bowed his head toward her. Julie realized what he wanted her to do so she put it herself on his head and even fixed his hair for him.

    He then looked up and grinned like a little boy at her.

    Sabi na bagay sa’yo eh.

    Elmo looked so cute with the beanie and the full-toothed smile on his face that she couldn’t help but give him a peck on the forehead which surprised her. But he didn’t seem to mind.

    "Thanks, bumblebee," he said, still smiling up at her.

    She playfully pinched his chubby cheeks. “You’re welcome, Moe.”

    He stood up again. “Come on. Hatid na kita as my thank-you gesture.”

    Her face fell at his question and Elmo raised an eyebrow at her. “Zeke’s going to pick me up at 5.”

    "Oh, yeah. One week off!" He chuckled. "All right then. I should go." He started to walk backwards, the bright smile still plastered on his face.

    "Bye," she mumbled, waving at him.

    He then finally turned his back on her to walk toward the cafeteria’s double doors. He didn’t look back as he waved a final goodbye.

    And as she watched him walk away, she found herself wishing for the first time that Zeke had been busy so Elmo could’ve driven her home instead.

     
  5. 00:04 27th Jul 2014

    Notes: 131

    Reblogged from lovemysuperjulielmo

    Tags: julielmo

    lovemysuperjulielmo:

    Here’s the story

    I was seated 2 rows away from Julie.

    Nagulat ako when Elmo went to the judges table after his performance. Ayun pala may spiel. At first it was only Jasmine, Tim, JayR and Elmo. After ilang mins, Julie went to their side. OMG kasali pala sya sa spiel. Dito na nawala lahat ng…

     
  6. 20:39 26th Jul 2014

    Notes: 79

    Reblogged from yahoophilippines

    Tags: julielmo

    image: Download

    yahoophilippines:

#JuliElmo fans, rejoice! @MyJaps and @SuperElmo together with jascurtissmith at #Philpop2014 finals.

It’s been a while but I still feel the same. ❤

    yahoophilippines:

    #JuliElmo fans, rejoice! @MyJaps and @SuperElmo together with jascurtissmith at #Philpop2014 finals.

    It’s been a while but I still feel the same. ❤

     
  7. Distance (Chapter 7)

    Mabilis na bumaba si Julie ng building para maabutan pa si Elmo sa parking lot. Mabuti na lang at hindi na niya suot ang heels na sinuot niya sa restaurant kaya mabilis siyang nakababa ng hagdan. Mas magtatagal kasi kung sa elevator pa siya dadaan. Pagdating niya sa parking lot ay pasakay pa lang si Elmo ng pick-up nito.

    "Elmo!" Hinihingal niyang tawag sa binata.

    Napatigil ito at napalingon sakanya. Bakas sa mukha ang pagtataka. “Julie? Bakit?”

    Hinabol muna niya ang hininga bago sumagot, “Uh.. you forgot your phone.”

    "Huh," kunot noong kinapa ni Elmo ang bulsa ng pantalon nito at narealize na wala nga dito ang phone ng binata. Natatawa itong tumingin sakanya at inabot ang phone mula sakanya. "Oo nga ‘no. Thanks, Julie."

    Ngumiti lang siya dito at nanatiling nakatayo doon. “Um..”

    "What?" Nagtatakang tanong ni Elmo.

    Hindi niya alam kung paano yayayain ang binata lumabas. Dahil alam na niyang birthday din nito at mukhang hindi talaga siya makakatulog sa gabing iyon, gusto niyang magpalipas oras na lang muna kasama ito. Para na rin mapasalamatan niya ng maayos ang binata sa pagligtas nito sakanya kanina.

    "Ano kasi.." Kinakabahang pagsisimula niya. "Feeling ko kasi I won’t be able to sleep tonight.." Huminga siya ng malalim at iniwasan ng tingin ang binata. "Do you.. do you want to, uh, hang out for a while?" Bumukas ang bibig ng binata para magsalita pero patuloy lang siya sa pagmomonologue. "That’s only if you want to.. Kung di ka pa din pagod or inaantok or.. something."

    Shit. Why am I rambling?

    Sasagot na sana ulit si Elmo. “Uh—”

    Nako. Baka ayaw niya pala niya. Wag na lang.

    "Okay lang din naman kung ayaw mo! Naiinti—"

    "Julie."

    Napatigil naman siya sa pagsasalita nang sabihin nito ang pangalan niya. Saka lang siya tumingin sa mukha nito at narealize niyang nagpipigil ito tumawa. Ramdam niyang namula ang mukha niya sa hiya.

    "Stop."

    Great, Julie. You’re just making a fool out of yourself in front of your boyfriend’s brother.

    "Yeah, I want to," sagot nito na sincere ang ngiti. "I was just actually thinking of ways to keep myself awake for the rest of the night."

    "Okay." Hindi na din niya napigilan ngumiti pabalik dito. "Wait lang ah, magbibihis lang ako ng mabilis."

    Tumango lang ito sakanya at nasandal sa gilid ng sasakyan. “Take your time. I’ll be right here.”

    Suot niya pa din kasi ang dress na pinili niya para sana sa date nila ni Zeke. Medyo madumi na iyon at may kaunting sira kaya hindi na niya iyon pwede suotin ulit. Isa pa ay malamig na din ang gabi dahil madaling araw na. Kaya naisipan niyang maghoodie, maong na shorts na hindi gaano kaiksi at sneakers na lamang. Hindi naman date ang gagawin nila ni Elmo kaya walang dahilan para mag-ayos siya ng bongga.

    Dahil kakabalik lang ni Elmo ng Pinas ay wala pa itong masyadong alam kung saan may bukas na gimikan o kahit ano ng disoras ng gabi. Kaya naman naisip niyang dalhin ito sa isa sa mga paborito niyang puntahan noon.

    May isang night bazaar kasi sa isang plaza na malapit sa beach ang madalas nilang puntahan ni Maqui kapag walang pasok kinabukasan. Buhay na buhay ito tuwing gabi pero sarado kapag may araw. Medyo malayo ito sa school nila ngunit worth it naman ang biyahe. Kumpleto kasi ito sa lahat ng makikita mo sa malls at iba pang lugar pasyalan. Maraming stalls ng kainan at inuman. May mga nagtitinda din ng lahat ng klase ng damit at sapatos. May mga live bands din kapag weekend at open mic. Kapag gusto mong magrelax at tumambay lang, halos katabi lang din nito ang beach.

    Dahil Sabado iyon ay madaming tao ang nandoon ngayon kaya medyo nahirapan sila makahanap agad ng space para makapag-park.

    Pababa na sana si Elmo nang mapansin ni Julie ang suot nito. Iyon pa din kasi yung sira-sirang shirt na suot nito kanina at hanggang ngayon ay hindi pa din pala ito nakakapagpalit.

    "Elmo.."

    "Huh?" Nagtatakang napalingon ito sakanya.

    "Lalabas ka ba ng ganyan t-shirt mo?" Nahihiyang turo niya sa damit nito. Napatingin si Elmo sa saril nito. "Baka sabihin ng mga tao, ni-rape kita."

    Napahagalpak naman ito ng tawa ag umiling-iling sakanya. Tinanggal nito ang seatbelt nito at saka dumukwang sa likod para may kunin.

    "Right. Wait up, buti na lang may spare shirt ako sa backseat."

    Pagkaayos nito ng pwesto ay walang sabi-sabing naghubad ito ng t-shirt sa harap niya. Sa sobrang gulat niya ay muntik na siyang mapasigaw at napapikit na lang siya. Ngunit bago siya pumikit ay pasimpleng dinaanan muna niya ng tingin ang matigas na dibdib at ang abs nito.

    Habang nakapikit ay naisip niya na kahit magkasing-katawan si Elmo at Zeke ay mas prominente ang abs ni Elmo kesa sa kasintahan. Sa ilang beses niyang nakitang topless si Zeke, alam niyang mas pinaghirapan ni Elmo ang katawan nito kahit ngayon niya lang nakita si Elmo na topless.

    Napalunok tuloy siya sa mga bagay na tumatakbo sa utak niya. Alam niyang kahit madilim sa kotse ni Elmo ay namumula ng husto ang mukha niya habang pinagkukumpara ang katawan ng dalawa. Kahit na 21 na kasi siya ay inosenteng inosente pa din siya. Nirerespeto siya ni Zeke at kahit kailan ay hindi nito sinubukan gumawa ng kahit anong ayaw niya dahil alam ng kasintahan na hindi pa siya handa. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit mahal niya si Zeke. Handa ito maghintay at hindi iyon ang habol nito sakanya.

    Pero pakiramdam niya ay parang nagkakasala siya kapag nasa paligid si Elmo.

    Lord. My eyes. My mind. My innocent mind.

    Napapitlag naman siya nang marinig ang boses nito. “Julie? Are you okay?”

    Narealize niyang nakapikit pa din siya kaya dahan dahan niyang minulat ang kanyang mga mata.

    "Ikaw kasi bigla ka na lang naghuhubad sa harap ko!" Hinampas niya ito sa braso.

    Humagalpak naman si Elmo ng tawa at umiling-iling. “Hahaha. Sorry,” sabi nito habang bumababa. Bigla itong lumitaw sa kabilang side ng pick up at pinagbuksan siya ng pinto. “Let’s go?”

    Napangiti naman siya sa pagka-gentleman ng binata.

    Naks. Magkapatid nga kayo ni Zeke. Parehong gentleman.

    Sabay na silang naglakad kung nasaan ang ingay at gulo na na-miss niya. Matagal na din kasi siyang hindi nakakapunta doon dahil sa busy na schedule. Naglalakad muna sila para mamasyal saglit at para na rin mailibot si Elmo sa lugar.

    "Wow. I’ve never been here before," narinig niyang sabi ni Elmo habang lumilingon lingon ito sa paligid. Halatang nagustuhan nito ang ambiance ng lugar.

    Napangiti naman siya sa reaksyon ng binata. “You just got back from States, di ba? Mga 3 years pa lang ‘to dito.”

    "Do you always go here at night?" Tanong ni Elmo.

    "Not as often as always. But Maqui and I used to go here a lot during our third year," pagkkwento niya. "Dito kami nagsshopping madalas kasi mas mura dito eh. Mas magaganda pa yung products nila kesa sa mall."

    Hindi pa niya naisasama si Zeke dito dahil lagi itong busy sa pag-aaral. Lalo na ngayon na bagong tayo ang business nito. Hindi rin ito masyadong pala-puyat kahit weekend kaya hindi niya ito pinipilit sumama dito. Nakakapag-date pa din naman sila sa ibang lugar kaya ayos lang kay Julie.

    "Are you hungry?" Baling ni Elmo sakanya.

    Sasagot na sana siya nang biglang tumunog ang sikmura niya. Nagkatinginan naman sila at parehong natawa. “Yeah, obviously. Hindi ako kumain sa resto kanina, remember?”

    Tumango lang ito sakanya at hinila na siya sa mga kainan. “Okay, let’s eat. My treat.”

    Dahil maraming pagpipilian at gutom na gutom na sila ay marami silang binili na pagkain. May kanin at mga ulam din pero dahil hindi sila makuntento ay bumili pa ang mga ito ng burger at siopao. Nakahanap sila ng isang bakanteng table sa dulo ng lugar kung saan katabi na nila ang dagat. Mahangin doon pero hindi naman kalakasan at medyo tahimik din at relaxed ang atmosphere dahil acoustic at soulful ang tinutugtog ng live band ngayong gabi.

    Habang kumakain sila ay naisip niyang iyon din ang tamang oras para makilala pa niya si Elmo. Tutal friends naman na sila at pagkatapos ng lahat ng nangyari sakanila ngayong gabi ay hindi na sila pwede bumalik sa pag-iwas sa isa’t isa na parang hindi sila magkakilala.

    "Can I ask you a question?" Si Julie.

    "Shoot."

    "Bakit ka pumunta ng States?"

    Isa iyon sa mga tanong sa isip niya simula noong family dinner ng mga ito kasama siya. Noong gabing nalaman niyang magkapatid pala ito at si Zeke.

    "To study," simpleng sagot ni Elmo.

    Napakunot noo naman siya sa tipid na sagot nito. “Bakit kailangan sa States pa? I mean, marami namang universities dito di ba.”

    Hindi agad ito sumagot na parang nag-iisip muna. “I.. I think I just want to get my own life.. away from everything,” mahinang sabi ni Elmo.

    "Huh?" Hindi niya naintindihan ang sagot nito.

    Ngumiti lang ito at siya naman ang tinanong. “So why Architecture?”

    Gusto man niyang kulitin pa ito na linawin ang sagot nito kanina ngunit hinayaan na niya lang niya ito. Tumigil siya sa pagkain at sinagot ang tanong ni Elmo.

    "I want to build something permanent someday. Something that would stay the same even if everything has changed. Like buildings, I guess."

    Alam niyang medyo malalim ang sinabi niya pero iyon ang totoo. Kapag kasi tinatanong siya ng ibang tao tungkol sa kursong napili niya ay lagi niya lang sinasagot ang mga ito na parang wala lang. Si Zeke at Maqui lang ang tunay na nakakaalam ng totoong dahilan at ngayon ay pati si Elmo.

    "Why?"

    "Huh?" Napaangat siya ng tingin sa binata.

    Nakatingin ito sakanya na parang isa siyang puzzle na sinusubukan nitong i-solve. “Why do you want to build something permanent? Don’t you like change?”

    Napaisip tuloy siya sa tanong ng binata. Ngayon lang kasi may nagtanong sakanya ng ganoon. Kahit sa mga kwentuhan nila ni Zeke ay hindi nila napag-uusapan ang mga ganoong topic. Kahit na sa tingin niya ay mas malalim na tao si Zeke kesa sa nakababatang kapatid nito dahil sa pagkakakilala niya kay Elmo ay narealize niyang mali siya.

    "Well, not really. Change is good sometimes. Especially when life gets too boring. But when I see something great changes into something.. broken and sad. And you couldn’t do anything about it.. I guess, that’s when I hate change," malungkot sagot ni Julie sa binata.

    Ang tinutukoy niya dito ay ang relasyong ng kanyang mga mga magulang sa isa’t isa. Muntik nang maghiwalay ang mga ito noon ngunit nang mangyari ang aksidente niya ay naipagpaliban muna ng mga ito ang issue na iyon. Ngunit ngayon, nakikita niya sa mga ito na wala na talagan pag-asa na maisalba pa ang dating pagmamahalan ng daddy at mommy niya. Alam niyang siya na lang ang dahilan kung bakit pinipilit ng dalawa na pakisamahan ang isa’t isa. Nagsimula ito noong fourth year highschool pa lamang siya. Napapadalas ang pag-aaway ng mga magulang niya at kahit sinusubukan ng mga ito na wag ipakita sakanya, nahuhuli pa din niya ang mga ito paminsan minsan. Naririnig ni Julie na nagsisigawan ang mommy at daddy niya kapag akala nilang tulog na siya. Isa din iyon sa rason kung bakit mas napili niyang mag-apartment na lang noong nagsimula siyang mag-college. Hindi na niya kayang makita na tinitiis na lang ng mga magulang niya ang isa’t isa lalo na kapag oras ng kainan.

    Alam niya ring mahal na mahal siya ng mga ito kaya ginagawa nila ang lahat para maayos pa ang pamilya nila. Ngunit hindi kaya ng konsensya niya na pilitin ang mga ito sa bagay na matagal na nilang hindi gusto. Kahit na mahirap at masakit sakanya ay wala na siyang magagawa dahil gusto niyang maging masaya ang mga magulang kahit hindi na sila sama-sama.

    Napabalik naman siya sa kasalukuyan nang magsalita ulit si Elmo.

    "Too bad change is inevitable. You really can’t do anything about it. You just have to accept it. And live with it. Especially if you were the only one who was given the chance to do so."

    Seryoso at malungkot ang boses nito. At nang napalingon siya dito ay nasa malayo ang tingin ng binata na para bang malalim din ang iniisip. Nakita din ni Julie sa mga mata nito ang iba’t ibang emosyon na nagsasabing may mas malalim na kahulugan pa ang pahayag ng binata.

    Bigla siyang nag-alala siya para sa kasama.

    "Elmo?" Tawag pansin niya dito.

    Napapikit mata ito na parang narealize ni Elmo na nag-space out ito. Ngumiti ito sakanya at magsasalita na sana nang biglang tumunog ang phone nito. Pagsilip ng binata sa telepono ay lalong lumuwang ang ngiti nito at biglang tumayo.

    Tumingin ito sakanya at itinaas ang phone na hawak. “Hey, I should get this. Is it okay?”

    "Go ahead," tumango siya at naisip niyang ito ang chance niya para sorpresahin ang binata. "Kailangan ko din gumamit ng restroom," tumayo na siya at nagpaalam saglit dito. "I’ll be right back."

    Ngumiti ulit ito sakanya at tumayo na din palayo ng kaunti sa table, papunta sa sea shore para sagutin ang tawag. Habang siya naman ay pumunta sa pinakamalapit na bake shop sa lugar na iyon para bumili ng birthday cake para kay Elmo. Naisip kasi niya na masyadong naging seryoso ang usapan nila ng binata kahit na birthday nito kaya oras na para pagaanin ulit ang mood nilang dalawa.

    Marami pang available na flavors sa shop na iyon pero nabaling ang atensyon niya sa chocolate cake at blueberry cheesecake doon. Chocolate cake kasi ang paborito ni Zeke kaya naisip niyang iyon na lang din ang ibili para kay Elmo. Pero narealize din niyang magkaibang magkaiba ang magkapatid kaya baka hindi ito pareho ng hilig. Isa pa ay lagi na lang chocolate cake ang inihahanda kapag may mga birthday kaya pinili niya na lang ang blueberry cheesecake. Pakiramdam niya din kasi ay bagay ang cake na iyon sa personality ni Elmo.

    Don’t ask why. I just feel it.

    Dahan dahan siyang nagbalik sa table nila dala ang cake na may isang birthday candle ang nakasindi sa gitna. Inilapag niya iyon sa table at naupo habang hinihintay si Elmo na matapos makipag-usap sa telepono. Hindi siya namalayan ng binata kaya tahimik lang siya doon. Dahil hindi naman masyadong malayo si Elmo ay medyo narinig niya ang mga huling sinabi nito sa kausap.

    “Yeah, with Zeke’s girlfriend… Yeah. The bastard has! Who knew?… I know. Of course, you do… Thank you. I miss you, too… Take care okay? I’ll see you soon. Bye…”

    Bumuntong hininga ito bago muling humarap sakanya. Nang pabalik na si Elmo sa table nila ay mas lumaki ang ngiti nito sakanya dahil sa dala niyang cake. Mas malawak pa sa ngiti nito nang mag-ring ang phone nito sakanya.

    Ngumiti din siya dito ng malaki. “Surprise!”

    Habang itinuro ang cake na dala niya.

    "Oh.. Wow," iyon lang ang nasabi ni Elmo.

    "Happy birthday!" Masayang bati ni Julie sa binata.

    Nagtataka man at nakakunot ang noo ay nakangiti pa din ito. “How.. how did you know?”

    Bigla naman siyang nag-blush ulit at saka umamin. “Um. I accidentally read Zeke’s message on your lock screen. Hehe.” Nahihiyang tumingin siya dito. “Sorry?”

    "No. Don’t apologize. It’s okay," mabilis na sabi ni Elmo. Umupo ulit ito sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya sa ibabaw ng table. "Thank you, Julie. Really."

    Pinisil ng binata ang kamay niya at ibinalik naman niya dito ang gesture. “I hope you like blueberry cheesecake. I just figured chocolate cake is so mainstream for birthdays. So I went for this one,” kinakabahan niyang pagpapaliwanag.

    Ngayon niya lang napansin na parang namamasa ang mga mata ng binata. Hindi tuloy siya sigurado kung tama ba ang ginawa niya.

    "No, it’s perfect. Blueberry cheesecake is my favorite. I haven’t had them for my birthday since I was five, though," bulong ni Elmo.

    "Why?"

    Elmo just shrugged. “Zeke loves chocolate cake.”

    Natawa siya sa sagot ng binata. “Yeah, he does.”

    Ngunit ‘di niya maiwasang malungkot sa sinabi nito.

    Does that mean that Tita Lea only baked cakes for Zeke on their birthday?

    Pero mukha namang kung gaano kamahal ni Tita Lea si Zeke, ganun din naman nito kamahal si Elmo.

    Though Elmo seemed so aloof around them.

    "Make a wish, Elmo."

    Elmo smiled at her softly and nodded. He then closed his eyes as he silently prayed for his wish. Nagkaroon siya ulit ng pagkakataon na titigan ang mukha ng binata. Kahit na may kaunting sugat at pasa ito ay talagang gwapo ito. Although Zeke and Elmo do really looked alike, the features of their faces were contradicting each other’s. She didn’t know how it was possible but it really was.

    Napakurap siya nang biglang nagmulat ng mata si Elmo. He gently blowed the candle and looked at her.

    "Thank you, Julie. This means a lot to me," sincere na sabi ni Elmo sakanya. Napangiti naman siya dito. "Is this why you wanted to hang out tonight?" Taas kilay na tanong ng binata.

    Natawa naman si Julie dahil tama ito. Nagsimula na nilang ubusin ang hindi cake na binili niya.

    "Yeah, partly. But I don’t think makakatulog din talaga ako agad. After…" She trailed off. She wanted to push the bad stuff away. "Anyway, bakit di mo sa akin sinabi na birthday mo din?"

    Elmo shrugged nonchalantly. “It doesn’t really matter.”

    Sinamaan naman niya ito ng tingin. “Of course, it does! It’s someone’s birthday! It’s YOUR birthday.”

    Tumawa lang ang binata at hindi na siya sinagot ulit. Tumitig lang siya sa binata habang pinag-iisipan ng mabuti kung itatanong ba niya ang kanina pa niya gustong itanong dito.

    Mukha namang napansin ng binata na may gusto siyang sabihin dahil siya na ang nagtanong dito. “What?”

    "How old are you, Elmo?"

    "22."

    "Um.."

    "Just ask it out," sabi ni Elmo na para bang alam na nito kung anong itatanong niya dito.

    "Kambal ba kayo ni Zeke?" She blurted out.

    He just laughed and rolled his eyes at her like it was what exactly he was expecting her to ask.

    "What do you think?" Kumindat pa si Elmo sakanya.

    Yeah, I think so. That explains why they looked really alike. Fraternal twins pala ang mga ugok.

    "It’s just that.. he never told me," she confessed, creasing her forehead. "He always refers to you as his ‘little brother’."

    Narealize niya tuloy na marami pa siyang di alam tungkol sa kasintahan.

    Elmo snorted at that. “He was just 25 minutes older than me.”

    Natawa naman si Julie sa reaksyon ng binata.

    "He just likes to boast that he was born first. He thinks it would make him more mature," natatawang sabi ni Elmo.

    Nagtawanan lang sila hanggang sa pareho na silang natahimik. Nag-iisip pa siya ng pwedeng itanong kay Elmo nang biglang tumunog ang phone niya. May isang message siyang na-receive galing kay Zeke. Dahil nakapatong lang ito sa table sa pagitan nila ni Elmo ay nabasa din ng binata ang message sa lock screen ng phone niya.

    Zeke: ‘Honey, I just landed in Cebu. Call you later. Love you!’

    Kukunin na sana niya ang cellphone para mag-reply dito nang biglang tumawa si Elmo.

    Napalingon siya sa binata. “Bakit ka tumatawa?” Kunot noong tanong ni Julie dito.

    Hindi ito sumagot at natatawa pa ring umiling lang sakanya ang binata. Sinamaan naman niya ito ng tingin.

    "Bakit nga kasi?" Pangungulit pa niya.

    Pinipilit ni Elmo na pigilan ang ngiti nito nang magsalita. “‘Honey?’ Seriously? Zeke calls you that?!”

    Nang ma-gets niya ang ibig sabihin ni Elmo ay hindi niya alam kung mahihiya ba siya o maiinis dito, ngunit alam niyang namula siya ng husto sa pang-aasar ng binata. Sa totoo lang din kasi ay hindi siya fan ng mga terms of endearment kaya kahit hinahayaan nalang niya si Zeke na tawagin siya ng ganoon ay hindi niya ibinabalik sa kasintahan ang tawag nito sakanya.

    "Bakit ka ba nakikialam sa kapatid mo?!" Pagtatanggol niya sa kasintahan ngunit kahit siya ay natatawa din sa pang-aasar ni Elmo.

    "But really, ‘honey’ talaga? Ano ka, bubuyog?" Then Elmo burst laughing again. "Julie… Julie-bee?" Walang tigil na pang-aasar nito sakanya.

    Tuluyan na ngang napahagalpak si Julie ng tawa sa mga sinabi ni Elmo hanggang sumakit ang tiyan niya. It’s been a long time since she laughed that hard that she almost forgot how good it felt.

    "That’s it. That’s what I’m calling you from now on. ‘Julie-bee!’" Pahayag ni Elmo na tumatango tango pa. "Wait. I think ‘Bumblebee’ is cuter. Mas bagay sa’yo. Cute." Taas kilay na dagdag sakanya ni Elmo.

    Aha. So he thinks I’m cute!

    Nag-blush naman siya ulit sa sinabi ng binata kaya inirapan nalang niya ito. “Shut up.”

    Kumindat lang sakanya ang binata na nangingiti pa din. Pagkatapos ng asaran na iyon ay nagkwentuhan pa sila tungkol sa mga random na bagay. Mostly, puro debate lang ang ginawa nila dahil narealize niyang magkaibang magkaiba silang dalawa ng hilig at paniniwala sa ibang bagay. It was actually refreshing for her dahil kapag si Zeke ang kausap niya ay halos pareho lang sila ng takbo ng isip at mga hilig.

    Nang maubusan na sila nang pagkkwentuhan ay bigla na lang silang natahimik. But it was a very comfortable silence between them for full five minutes. She felt like no words were really needed to fill the moment up.

    Noon niya lang din napansin na halos wala nang tao sa lugar na iyon. Pati ang bandang tumutugtog doon kanina ay tapos na din mag-pack up at nagsisimula nang magsara ang mga stalls. Tiningnan niya ang oras at napasinghap siya nang marealize na halos 5:30 na ng umaga. Nagsisimula na rin magliwanag ang langit.

    Bigla naman tumayo si Elmo at nag-inat ng katawan. “So… It’s almost 6 AM. We should go home and sleep. Finally,” nakangiting sabi niyo sakanya.

    It was only then that she noticed how tired his smile was. Mukhang nararamdaman na ni Elmo ang pagod at sakit ng katawan nito pagkatapos itong mabubugbog kagabi.

    She smiled at him apologetically. “Right.”

    Nagsimula na siyang tumayo ngunit nang makita niya na malapit nang sumikat ang araw sa dagat, bumaling siya kay Elmo. “Do you.. do you want to watch the sunrise, first?”

    Elmo turned and checked out the horizon over the beach and saw what she meant. He smiled and nodded at her. She took her hand and pulled her toward the white sand beach. She sat there and Elmo sat next to her.

    When she was younger, she used to watch the sunrise with her dad because they were both early birds. She never missed the opportunity whenever she got the chance.

    But this time, she chose to stare at the person sitting next to her as the sun rose. His gaze was fixed on the view in front of him though, overwhelmed by the beauty of the sky and the sea under the sunrise. It was mesmerizing to watch the look on his face as the peace and calmness settled on its features. Elmo looked like he was reminiscing and she realized that it was actually the first time Julie saw the soft look on his face. He looked so young and vulnerable for the first time, not the flirty and arrogant Elmo she first met. And she tried to savor every moment of it.

    Julie hugged her knees to her chest and laid her head on them as she continued to gaze at Elmo. The wind softly blowing her hair to her face.

    "Happy birthday, Moe," she gently whispered.

    He finally looked back at her, as if he had forgotten she was there. His forehead was creased again and she found herself reaching out to smooth the skin between his eyebrows with her fingers. He smiled softly, almost grateful, at her as he tucked a few strands of her hair behind her ear. She realized he had always done it like it was was a natural thing for him to do.

    He heaved a sigh of contentedness. Then he said sincerely, “Thank you, Julie. For everything.”

     
  8. Distance (Chapter 6)

    "Bitawan niyo siya!!!" Sigaw ni Elmo.

    Good Lord. Thank you po.

    Julie almost felt relieved because Elmo had come to her rescue until she realized there were two bad guys against him. Not to mention, the other was carrying a deadly weapon. Naisipan niyang magdasal ulit.

    Naramdaman niyang magsasalita pa sana si holdaper no. 2 na may hawak sakanya ng biglang sumugod si Elmo dito. Bumitaw sakanya si holdaper no. 2 at itinulak siya nito sa gulat kaya naman bumangga siya ng bahagya sa pader ng eskinita. Tumama ang likod niya sa pader pero mabuti na lamang at hindi masyadong malakas ang pagkakatulak sakanya kaya hindi rin siya masyadong nasaktan. Dahil nagulat si holdaper no. 2 kay Elmo ay natumba ito nang sinuntok ito ng binata ngunit napansin niyang papalapit si holdaper no. 1 sa binata, kinuha nito ang kutsilyo na nabitawan ni holdaper no. 2 at ito naman ang sumugod kay Elmo.

    "Elmo!!!" Sigaw niya para balaan ito.

    Nang sinubukan ni holdaper no. 1 na saksakin si Elmo ay napatili siya sa takot. Mabuti na lamang at mabilis si Elmo na nakailag at sinipa nito ang kalaban sa tagiliran. Ngunit mabilis na nakatayo si holdaper no. 1 na nagbabantang sumugod ulit sa binata. Hindi nila namalayan na nakabangon na ulit si holdaper no. 2 at sinipa nito si Elmo sa likod. Napasigaw naman si Elmo sa sakit pagkatapos ay biglang hinila ni holdaper no. 2 ang mga braso nito patalikod para pigilan si Elmo makagalaw.

    Nanginginig na naman siya sa takot dahil pinagtutulungan na bugbugin ng dalawang holdaper si Elmo haban siya ay hindi makagalaw sa kinasasandalan niya sa pader. Ngunit nang makita niya na hawak na naman ni holdaper no. 1 ang kutsilyo ay bigla siyang nagising. Hindi niya hahayaang mamatay si Elmo dahil sakanya. Bigla siyang tumakbo at mula sa likod ay dinambahan niya si holdaper no. 1 na gulat na gulat sa ginawa niya. Pumasan siya sa likuran nito at kinalmot niya ang mukha nito tinusok ng mga kuko ang mga mata. Nabitawan nito ang hawak na kutsilyo at napasigaw sa sakit habang hawak hawak ang mukha sa mga kamay. Habang si Elmo naman ay ginamit ang pagkakataon na iyon para makawala sa hawak ni holdaper no. 2 na na-distract sa ginawa niya.

    Itinulak siya ng malakas ni holdaper no. 1 sa sobrang galit, muling bumangga ang katawan niya sa pader ngunit pati ang ulo niya ay tumama din. Nahilo siya at napaupo habang si holdaper no. 1 ay unti unting lumapit sakanya. Alam niyang sa pagkakataon na iyon ay baka wala na siyang ligtas ngunit biglang lumitaw si Elmo sa pagitan nila.

    "Don’t you dare touch her!" Galit na galit na sigaw ni Elmo.

    Napalingon siya sa paligid at nakita niyang nakahandusay na at wala nang malay si holdaper no. 2. Sa wakas ay napatumba na ito ni Elmo.

    Susugod na sana muli si holdaper no. 1 nang biglang may dumating na ilan pang kalalakihan. Mga baranggay tanod na handang tumulong sakanila.

    "Wag kang kikilos!" Sabi ng isa sa natitirang holdaper. Tatakbo na sana ito sa kabilang direksyon ng madapa ito sa katawan ni holdaper no. 2. Kaya naman naabutan ito ng mga tanod at parehong hinuli ang mga ito.

    Nanatili siyang nakaupo sa kinalalagyan niya habang si Elmo ay nakatayo pa din sa harap niya, nakatalikod pa din ito ngunit napansin niyang nawala na ang tensyon sa mga balikat nito na parang nagsasabing tapos na ang gulo. Bumuntong hininga ito bago humarap sakanya.

    Nagulat siya nang makita ang hitsura nito. Punit punit ang t-shirt na suot nito na parang hiniwa hiwa ng kutsilyo. Mabuti na lamang at wala siyang nakitang dugo sa damit nito, ibig sabihin ay hindi ito nasaksak.

    But when her gaze went up to his face, Julie gasped sharply. His lower lip was busted, blood dripping from it. As well as from his left eye brow. There was a cut that started to swell just above his eye but it didn’t look bad. And there was already a bruise on his right cheekbone. There was a look on his tired face that seemed like asking if she was okay.

    She wanted to stand up and approach Elmo but when she tried, her legs gave in. Aside from the dizziness from banging her head, she realized her whole body was still shaking. As the adrenaline left her body, the terror and fear she felt during the attack came back to her and it overwhelmed her. She started to sob uncontrollably.

    She jumped when she felt a pair of arms circled her small frame and pulled her toward to a body. Which apparently belonged to Elmo.

    "Shh.. You’re okay. You’re safe now," he whispered softly to her ear, reassuring her.

    She suddenly felt his soft lips against her temple as he hugged her tightly to his body. His lips stayed in touch with her skin as the sobs finally settled down and she started to breathe properly. Somehow that sweet little gesture seemed to soothe her and calm her down. Her body stopped shaking terribly and she matched her breathing to the steady beat of his heart.

    When she finally stopped crying, Elmo let go of her and he plopped down beside her, leaning his back to the wall and his legs spreaded wide apart. Like he was so spent and exhausted. But of course, he was.

    She glanced to Elmo beside her who closed his eyes. She stared at him for a moment then he must had sensed her stare because he opened his eyes again and looked back at her. She jumped again when she heard footsteps coming toward them but when she looked up, it was just one of those baranggay tanod who helped them, Elmo noticed her reaction and he suddenly wrapped a protective arm around her tiny waist and gently pulled her to him, her back to his chest.

    She immediately felt safe in his arms. His warmth radiating through her body and his breath fanning the back of her neck reassured her that nothing could harm her.

    "Ah, ma’am, sir.. Kailangan po kayo sumama sa presinto para magbigay ng statement niyo sa nangyari," said the tanod.

    She couldn’t find her voice to speak and when she finally did, Elmo beat her to it. “Yeah, okay. Susunod kami,” he answered.

    Pagkatapos nilang pumunta sa police station para magpa-blotter ay hinatid na siya ni Elmo sa apartment. Inalok niya din ang binata na pumasok para makapagpahinga saglit.

    "Okay ka lang ba?" Tanong ni Elmo na nakaupo sa sofa. May hawak itong ice pack sa kaliwang mata nito.

    Ngumiti naman siya dito. “Hindi ba dapat ako magtanong sa’yo niyan?”

    "I’m okay."

    Naupo siya sa tabi nito. “Thank you, Elmo,” sincere na bulong niya. Ngumiti lang ito sa kanya at nabaling naman ang tingin niya sa mga sugat nito sa mukha. “Gamutin natin yang mga sugat mo.”

    Umiling-iling ito at bumitaw sa kamay niya. Saka lang niya na-realize na hinawakan niya pala ang kamay ni Elmo. “I’m good. I’ll just swing by the hospital first, before I go home. Or I can just clean it up myself later.”

    Napakunot ang noo niya sa pagtanggi ng binata. “Elmo.. I insist. It’s the least I can do after you saved my life.”

    Nagtitigan lang ang dalawa at nagpapatigasan nang sa wakas ay sumuko na din si Elmo.

    "Okay.." Buntong hininga nito.

    "I’ll just get the first aid kit in the bathroom," tumayo na siya para kunin ang mga gamit.

    Nang bumalik siya ay tumayo siya sa harap nito at nagsimulang ilapag ang kit sa tabi ni Elmo. Nagsimula na si Julie na linisin ang mga sugat at dugo sa mukha ni Elmo.

    "Teka, marunong ka ba maggamot, ha? Baka naman ma-infect mga sugat ko ah," pang-aasar nito sakanya.

    Napansin din siguro nito na masyadong tahimik at mabigat ang atmosphere sa apartment niya kaya naisipan nito magbiro to lighten the mood.

    Natawa nalang siya sa halip na mapikon. “Shut up. I know how to do first aid treatment. Nagvovolunteer ako sa Red Cross once in a while.”

    "Wow. Impressive," sarcastic na sagot ni Elmo. Bigla naman niyang diniinan ang ginagawa. "Ouch!"

    "Hehe. Sorry, ‘di ko namalayan."

    "Sinadya mo eh!" Sagot nito na hinuhuli ang mga kamay niya para patigilin.

    Tinawanan lang niya ito at sinubukan pang buhusan ng alcohol ang mukha ng binata. Nagpatintero ang mga kamay nila ng ilan pang sandali bago sumuko ulit si Elmo at hinayaan siyang ipagpatuloy ang ginagawa.

    Bigla namang natahimik si Elmo at pagkatapos ay kumunot ang noo. “Have you talked to Zeke already?”

    Nagulat siya sa random na tanong ng binata kaya hindi siya nakasagot kaagad.

    Habang nagbibigay ng statement si Elmo sa police station kanina ay lumabas siya para tawagan si Zeke. Nag-usap sila at pinatawad na niya ito dahil sa lahat ng nangyari noong gabi na iyon ay nawala na sa isip niya ang galit sa kasintahan. Halata din naman kasi sa boses ni Zeke na hindi rin talaga nito sinasadyang iwan siya sa ere. Sinabi din niya na kasama niya si Elmo ngunit hindi muna niya pinaalam ang nangyari sakanya. Ayaw na niyang pag-alalahin si Zeke lalo na’t pasakay na ito ng eroplano noong mag-usap sila.

    "Yeah, we’re okay.. But hindi ko pa sinabi yung nangyari kanina," mahinang sagot niya.

    Lalong napakunot ang noo ni Elmo sa narinig. “What? Bakit?”

    "I don’t want him to worry. Hindi siya makakapagtrabaho ng maayos. I’ll just tell him myself when he gets back so don’t tell him yet either."

    Labag man sa kalooban ay pumayag din ang binata. “Fine. But he needs to know, okay?”

    Tumango siya at nagsimula nang lagyan ng band-aid ang mga sugat ng binata. Bumuntong hininga siya bago nagsalita ulit. “I’m sorry, Elmo.”

    "Huh?"

    "For being a bitch to you at the restaurant earlier," nahihiyang paliwanag ni Julie.

    Ngumiti si Elmo sakanya. “It’s okay, naiintindihan ko naman.”

    Nang matapos siya sa ginagawa ay niligpit na niya ang kit at naupo ulit sa tabi nito ngunit naglagay na siya ng space sa pagitan nila.

    "How did you find me? Akala ko bumalik ka na sa trabaho mo when you left."

    "Nah, I just waited for you in the parking lot. But I was talking to Zeke on the phone when you came out of the resto so hindi kita agad nasundan," sagot nito. Kumunot ulit ang noo niya at saka nagpatuloy. "Then bigla kang lumiko sa eskinita, I had to ditch my car on the side of the road just so I could follow you through. Then shit happened."

    Napalunok naman siya nang maalala na naman ang nangyari kanina. Bigla din pumasok sa utak niya yung unexpected breakdown niya sa harap ng binata. Hindi niya maintindihan kung bakit pero nang yakapin siya nito ay bigla siyang kumalma. Lalo nang halikan siya nito sa gild ng kanyang noo. Alam niyang isang gesture lamang iyon ng isang taong nag-aalala sa kapwa nito at wala iyong malisya, ngunit feeling niya ay nararamdaman pa din niya ang mga labi ng binata. Not to mention the way he protectively pulled her against his body when someone came back for them in the alley.

    Alam niyang paulit ulit na siya pero hindi alam ni Elmo kung gaano kalaki ang utang na loob niya dito.

    "Sobrang salamat talaga, Elmo."

    "Don’t mention it." Tumahimik ulit ito na mukhang malalim ang iniisip. Lumingon ito sa kanya at seryoso siyang tinanong. "Hey, will you be okay here? Alone?"

    "Yeah, I guess.." Sagot niya pero hindi siya sigurado kung makakatulog siya noong gabing iyon na mag-isa.

    Masyado namang malaking abala na kay Elmo kung tatanungin niya ito na mag-sleep over sa apartment niya. At kahit na isang life and death situation ang nangyari sa kanilang dalawa ay hindi niya pa din masasabi na close o friends na talaga sila. Isa pa ay may boyfriend siya, parang pangit naman tingnan na may ibang lalaki ang matulog sa apartment niya kahit na kapatid pa ito ng kasintahan.

    Saka lang naputol ang pag-iisip niya nang tumayo na si Elmo. “I should get going. You need to rest.”

    Tumayo na din siya at sinundan niya ito sa front door ng apartment niya. Magpapasalamat na naman sana ulit siya pero narealize niya na parang isa na siyang sirang plaka.

    "Ingat ka."

    Binuksan na ni Elmo ang pinto at bago ito tuluyang lumabas ay humarap ito sakanya. Tinitigan siya nito na para bang sinisigurado kung ayos lang ba talaga siya. Kumunot ulit ang noo nito habang ikinawit ang ilang hibla ng kanyang buhok sa likod ng tenga niya. Tatanungin na niya sana si Elmo kung anong problema nang bigla nalang niyang naramdaman ang mga labi nito sa noo niya. Nanigas na lang siya sa kinatatayuan niya habang ngumiti lang si Elmo sa kanya ng matipid at saka tuluyang umalis.

    Nakatayo lang siya doon sa harap ng pinto nang may marinig siyang tunog sa sala. Napapitlag siya sa gulat at hinanap kung saan nanggagaling ang ingay. Nakita niya ang isang cellphone sa sofa kung saan nakaupo si Elmo kanina. Narealize niyang naiwan ng binata ang phone nito at kinuha niya iyon. May isang message si Elmo galing kay Zeke. Tiningnan niya ang oras, 1:23 AM. At narealize niyang birthday na ng kasintahan. Nalimutan na niyang batiin ito kahit na magkausap sila kanina sa telepono.

    Nag-pop ang message sa lock screen ng iPhone ng binata kaya nabasa niya ito nang di sinasadya.

    Zeke: ‘Happy birthday, lil’ Sam. We’re 22! Anyway, thank you for looking after Julie tonight. I owe you one, baby bro. See you when I get back.’

    Biglang napaisip si Julie sa nabasa.

    Birthday din ni Elmo?

    Ano daw? “We’re 22?”

    Wait.

    Kambal sila?!

     
  9. 15:20 17th Jul 2014

    Notes: 278

    Reblogged from imafan

    Tags: julielmo

    JULIELMOES:

    -More than being followers, we are supporters and friends.
    -We’re not rude, we are witty.
    -We shout it with heart, we never scream.
    -We don’t just listen with them, we sing along.
    -We don’t watch them as years go by, we grow with them.
    -When we say Trend, we mean…

    (Source: ilovekrisangeline)

     
  10. Distance (Chapter 5)

    "I still can’t believe Elmo’s your brother," pahayag ni Julie sa kasintahan habang paakyat sila sa 3rd floor kung nasaan ang unit niya.

    Hinatid siya ng binata hanggang sa pinto ng apartment niya. Aalukin pa sana niya ito para pumasok sa loob pero alam niyang may early morning meeting si Zeke kinabukasan.

    "Yeah, I’m surprised you knew each other already, too," natatawang sagot ng binata sakanya. Tumigil sila sa harap ng pinto niya. "So paano kayo nagkakilala?"

    "I met him at the cafe in the campus. He was working part time there, di ba?" Sagot ni Julie. Sumandal siya sa front door ng apartment niya. "Then siya din yung tumulong sa akin when I sprained my ankle."

    Napalingon si Zeke sakanya na nanlaki ang dalawang mata. “Wow, small world.”

    "Yeah," nangingiting sagot niya. Kahit siya ay napapaisip pa din sa mga pangyayari. "Get home safely, okay?" Hinawakan niya ang kamay nito at tumingkayad para halikan si Zeke sa pisngi.

    "Yes, hon." Ngumiti ito sa kanya at napatitig siya dito. Iniangat naman nito ang magkahawak nilang kamay at hinalikan ito ng binata. Nagtitigan lang sila ng matagal hanggang sa magtawanan silang dalawa.

    "Ba’t di ka pa umaalis?" Nakangiting pang-aasar ni Julie.

    "Ba’t di ka pa pumapasok?" Ganti naman ni Zeke.

    Tumaas ang isang kilay niya dito. “Kasi di ka pa umaalis.”

    "Kasi di ka pa pumapasok," natatawang sagot ng kasintahan.

    Alam ni Julie na tatanggi ito sa itatanong niya pero gusto niya pa din mag-baka sakali. Namimiss na din kasi niya ang binata dahil masyado na silang busy para magkasama ng mas matagal. “Wanna sleep over?”

    Bumagsak naman ang mukha ng binata sa tanong niya. “Ah. As much as I want to, I can’t tonight.” Ngumiti ito ng malungkot na parang nagi-guilty. “I have an early meeting tomorrow with my investors. I’m sorry?” Malungkot na sagot ni Zeke.

    Na-guilty tuloy siya. Sana ay di na lang niya ito tinanong para di nalungkot ang boyfriend niya sa pagtanggi sa kaniya. Naiintindihan naman niya talaga ito, ngayon pa lang nagsisimula ang binata kaya binibigyan niya ito ng panahon para mag-focus sa bagong career ng buhay nito since mas nauna nga ito magtapos kaysa sakanya.

    Ngumiti na lang siya dito ng matamis at mabilis na hinalikan sa labi. “It’s okay. Alis na.”

    "Get inside first," nakangiting sabi nito.

    Tumango na lang siya at binuksan na ang pinto sa apartment niya para pumasok. Bago niya ito tuluyang isara ay tumitig ulit siya dito ng matagal na para bang kinakabisa ang buong mukha ng binata.

    "I love you, Zeke," malambing na bulong ni Julie sa kasintahan.

    Binigyan siya nito ng malaking ngiti na paborito niya mula sa binata. “I love you more, Honey.”

    "WHAAAAT?!" Sigaw ni Maqui sa tenga niya.

    Kasalukuyan silang naglalakad sa loob ng mall at naikwento niya dito ang natuklasan niya noong isang gabi sa family dinner ng boyfriend niya. Expected na niya ang reaksyon ng kaibigan pero natatawa pa din siya dito. Kahit kasi siya ay di pa din makapaniwala na magkapatid si Zeke at Elmo kahit na kung tutuusin ay magkamukha naman ang mga ito.

    "Maq! Ang ingay mo!"

    Tumigil si Maqui sa paglalakad at humarap sakanya. “Wait. Did you really just tell me that Sam—Zeke’s brother— and Elmo are the same person?”

    "Yes," she answered as she rolled her eyes at her bestfriend.

    Napatanga naman si Maqui at hinablot bigla ang mga braso niya saka ito inalog alog. “Oh my god. That explains Elmo’s charm and hotness! It runs in the family!” Excited na sagot ng kaibigan. “You need to hook me up with him!”

    Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi nito at bumitaw sa pagkakahawak nito sakanya. “What?! Ayoko nga.”

    "Why? Are you jealous?" Nakataas na kilay na tanong ni Maqui sakanya.

    Natawa naman siya at naglakad na muli.

    "Duh. Of course not, I have a boyfriend. Not to mention it’s his brother," irap niyang sagot dito.

    "So bakit ayaw mo?" Ikinawit ni Maqui ang braso nito sakanya at sabay na sila naglakad.

    "Well, hindi kami close to start with."

    "Hay. Napakaarte mo talaga." Buntong hininga ni Maqui. "What are we doing at the mall anyway?"

    "It’s Zeke’s birthday next week! Gusto ko siyang bilhan ng regalo, at tutulungan mo ako," nakangiting sabi niya kay Maqui.

    "Only if you’ll hook me up with Elmo," kumindat pa ito sakanya.

    Pabirong sinabunutan niya si Maqui. “Err, shut it.”

    Natawa na lang ito sakanya at saka siya nito hinatak sa isang stall.

    Nauna si Julie na dumating sa restaurant na pina-reserve nilang dalawa ng kasintahan para sa celebration ng birthday nito. Kinabukasan pa ang kaarawan ni Zeke pero ngayong gabi na sila mag-cecelebrate dahil lilipad pa ang binata bukas pa-Cebu. Tatlong araw itong magsstay doon para i-meet ang mga suppliers nito.

    Excited siya para sa gabing iyon dahil alam niyang magugustuhan ng binata ang regalong nabili niya para dito. Isa iyong mamahaling relo na kulay red dahil iyon ang paborito ng binata. Matagal na kasing gustong bilhin ng kasintahan iyon pero wala lang itong time para magshopping sa mall kaya siya na ang bumili nito para sa binata. She wanted to laugh at the irony of things. Parang simbolo na rin kasi iyon na kailangan ni Zeke ng proper time management sa trabaho nito para hindi ito ma-late sa mga appointments nito at para na rin ipaalala sa binata na kailangan din siyang isingit nito sa oras nito kahit gaano pa ka-busy ang kasintahan.

    May kalahating oras na siyang naghihintay pero hindi pa din dumadating ang kasintahan. Tinawagan niya ito pero hindi naman ito sumagot. Ayaw niyang ma-disappoint at magalit sa binata lalo na’t birthday celebration dapat ang gabing iyon.

    Mag-iisang oras na siyang nakaupo at naghihintay nang sa wakas ay nagtext na si Zeke sakanya.

    Zeke: ‘Hon, I’m so sorry something really important came up here at the office. I can’t leave. I don’t think I can make it tonight. :(‘

    Hindi na niya mapigilan mainis sa binata. Kahit anong pilit niyang intindihin ang kasintahan ay hindi niya pa din maiwasan magtampo. Kung tutuusin ay hindi naman siya nakakalimutan ni Zeke kahit na busy ito sa trabaho, madalas pa din silang nag-uusap at nagkikita araw araw. Ngunit kapag mga importanteng okasyon na ay saka ito nawawala. Una, noong first anniversary nila pagkatapos itong birthday dinner naman.

    Julie knew she was being childish but she decided not to reply to his message and just stayed seated there. Kahit na siya lamang ang walang ka-date doon at matagal na siyang mag-isa ay hindi pa din siya umalis. Hihintayin niya ang kasintahan hanggang sa dumating ito kahit abutin siya doon ng madaling araw.

    'Hon. Please pick up your phone.'

    'Talk to me, please? I love you. Please forgive me.'

    'I promise to make it up to you.'

    Nakailang messages at missed calls na si Zeke sakanya ngunit kahit isa sa mga ito ay hindi pa din niya sinasagot.

    Tatlong oras na ang nakalipas ay wala pa din ang binata. Naiiyak na siya habang hawak hawak ang kahon na regalo niya dito. Nakailang balik na nga ang waitress sa table nila para tanungin kung oorder pa ba siya ngunit tahimik lamang siya.

    Her head was bowed down as she stared at her hands, trying to stop the tears that were falling from her eyes when she heard a familiar voice.

    "Julie."

    She looked up and found Elmo in front of her table. “What are you doing here?” Naiinis na tanong niya.

    Ngumiti ito na parang di sigurado sa gagawin bago sumagot. “Zeke called me to check on you.. Sabi niya you still might be here. And he’s right.” He paused to stare at her then he heaved a sigh. “Tara na? I’ll drive you home.”

    Alam niyang nagmamagandang loob lang si Elmo pero di niya maiwasang magsungit dito. “No.”

    Bakas sa mukha nito ang pagkagulat pagkatapos ay napalitan ito ng awa. Lalo siyang nainis sa binata kahit wala naman itong ginagawa. He didn’t want his boyfriend’s brother’s pity.

    "Julie—"

    Sinamaan niya ito ng tingin. “Leave me alone.”

    Tumitig lang ito sakanya na parang hinihintay pa din siya nitong tumayo at sumama sakanya. Pero nanatili lang siyang nakaupo doon habang nanatili ding nakatayo si Elmo na parang waiter na naghihintay ng order niya.

    Sa pagkakaalam niya ay shift ni Elmo ngayong gabi sa cafe kaya alam niyang naabala pa ito para lang sunduin siya dito. Kung sa normal na araw ay mahihiya siya dito at di na magmamatigas pa. But since Zeke was not there to confront, Elmo became the target of her anger.

    Ilang minuto pa ay hindi pa din sila umaalis sa mga pwesto nila kaya napikon na si Julie sa binata. Tumingin siya ulit dito. “Go away! I don’t need you to babysit me.”

    There was a flicker of hurt in his eyes and she suddenly felt guilty for lashing out on him. But the hurt look Elmo had went away just as fast as it happened and he just stared at him blankly. Elmo opened his mouth like he was about to say something but decided against it. He stood there for a few moments and shook his head. She was about to apologize but he suddenly turned and leave, not saying anything to her.

    All the things she was feeling— frustration, anger, self-pity & now guilt—doubled when Elmo walked out on her. Despite her anger, she really felt bad for being a bitch to Elmo. Kaya naman di na niya talaga napigilan maiyak. Nang kumalma siya ay naisipan na niyang umuwi na lang dahil napagod na din siya sa paghintay at pag-iyak doon. Sigurado siyang hindi na rin darating si Zeke. Isa pa ay malalim na ang gabi. Delikado na maglakad pauwi ng kaniyang apartment. Wala siyang dalang kotse dahil magkasama sila ni Maqui kanina at inihatid lang siya nito sa restaurant.

    Naglalakad na siya ng mabilis dahil malapit na ring umulan at wala pa siyang dalang payong. Habang pauwi ay naisip niya si Elmo at naiinis siya sa binata dahil kailangan pa nitong magmagandang loob sakanya. Pero sa totoo lang ay sa sarili siya naiinis dahil sa pang-aaway niya dito. Alam niyang kailangan niya mag-sorry dito pero hindi niya alam kung paano.

    Elmo naman kasi. Nakakainis ka talaga.

    Lumiko siya sa isang madilim na eskinita dahil shortcut ito papunta sa building ng apartment niya. Naisip niya na sana ay sumama na lang siya kay Elmo kanina para naihatid siya nito. Hindi na sana niya kailangan maglakad pag-uwi. Malamang ay bumalik na din si Elmo sa trabaho nito dahil sa inis nito sakanya. Malalim pa din ang iniisip niya kaya di niya namalayan na may sumusunod pala sakanya nang bigla nalang may humablot sakanya at nagsalita ito.

    "Hold up ‘to."

    Nagulat siya sa mga pangyayari at nagsimula na siyang mag-panic. Hawak hawak kasi siya ng mahigpit ng lalaki sa bewang mula sa likuran at hindi siya makagalaw. Napatigil siya sa paghinga nang maramdaman ang isang matulis na bagay na nakatutok sa tagiliran niya.

    Shit. Shit. Shit. Lord, please. Keep me safe! Oh my God.

    Saka lang din niya napansin na may isa pang lalaki sa harap niya. Naglalakad ito papunta sakanila. Makakahinga na sana siya ng maluwag dahil may makakita sakanila at baka matulungan pa siya nang makita niya na may suot itong bonnet na pang-holdaper din.

    Oh shit.

    Lord. Bakit po?

    Wag naman sana nila akong rape-in, patayin na lang nila ako.

    Nanginginig na siya at naiiyak sa sobrang takot. Hindi na niya alam ang gagawin. Gusto niyang sumigaw pero natatakot siya na baka bigla na lang siyang saksakin ng lalaki sa likod niya.

    Elmo..

    "Akin na bag mo," utos ni holdaper no. 1 na nasa harap niya. Mabilis niya itong binigay. "Ano ‘to?" Hawak nito ang box na regalo niya para kay Zeke.

    Nanlaki ang mata niya. Kahit naman nagtatampo siya sa kasintahan ay importante sakanya ang regalot nito. “Wag yan please. Regalo ko yan sa boyfriend ko.”

    Alam niyang hindi na sana siya nagsalita dahil malamang ay mas mapapahamak lang siya.

    Shit. Julie Anne, mas importante pa ba yang relo sa buhay mo?!

    "Ah. May boyfriend ka pala miss. Sa akin mo nalang iregalo ‘to," nakakalokong sagot ni holdaper no. 1 sakanya.

    Bigla naman bumulong sa tenga niya si holdaper no. 2 na ikinagulat niya. “Kami na lang muna boyfriend mo, wala naman siya dito ngayon eh.”

    Oh my God. Please, help me. Please!

    Nagtawanan ang dalawang holdaper at lalong lumapit si holdaper no. 1 sakanya. Napapikit na lamang siya at nagmakaawa sa lahat ng mga santo na tulungan siya. Tumulo na ang luha niya.

    Elmo. Please.

    Bigla siyang nakahinga ng maluwag nang marinig niya ang isang boses sa ‘di kalayuan. Wala pa mang nangyayari ay pakiramdam niya ay ligtas na siya.

    "HOY! Bitawan niyo siya!!!"

    Si Elmo.